Angeline nakiusap sa mga kaibigan na bumili ng ticket sa kanyang concert; tatay ng magiging anak may work, pero…

Angeline Quinto

IBINANDERA ni ‘Nay Cristy Fermin sa kanyang online show na “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chica nitong Lunes ang tungkol sa kilalang female singer na nasa interesting stage ngayon.

Tsika sa kanya, mismong ang female singer ang humihikayat sa mga kaibigan na bumili ng ticket para sa on-going shows niya dahil kailangan niya ng extra income.

Bagama’t may trabaho ang boyfriend ng female singer at tatay ng magiging anak niya ay hindi naman kalakihan ang kinikita dahil karaniwang empleyado lang ito at sa mga pangangailangan ng mang-aawit ay tiyak na kapos na kapos ito.

Nakakatuwa dahil wala pang gaanong clue na sinasabi si ‘Nay Cristy ay nahulaan na kaagad ng loyal viewers ng “CFM” kaya sa huli ay pinangalanan na rin niya na si Angeline Quinto ito at ang boyfriend niyang empleyado sa isang casino.

Pero kinlaro ni ‘Nay Cristy na hindi si Angeline ang nagbebenta ng tickets ng shows niya sa Metropolitan Theater o MET na “10Q” dahil may producer ito na siyang namamahala sa marketing. Tatagal kasi ang show hanggang February, 2022.

Nang binanggit ng host at columnist na nagtatrabaho sa casino ang boyfriend ni Angeline ay naalala namin bigla ang tsikahan namin noon ng dalaga na magiging nanay na sa Abril, 2022, tungkol sa guy.

Binalikan namin lahat ang palitan namin ng mensahe at ito kaya ‘yung guy na ilang beses nag-viral ang mga larawan nila dahil nahalukay ng netizens ang pagkakakilalanlan nito pero ang sabi ng dalaga ay magkaibigan lang sila.

Laging nasa bahay nina Angeline ang guy kaya natanong namin kung may work ba ito, sabi niya ay meron naman at sa hotel nga raw kaso nag-lockdown kaya walang trabaho.


Nabanggit ding may mga anak nga sa magkaibang babae ang guy at wala naman iyon kay Angeline kasi nga hindi naman daw niya ito boyfriend at dumadalaw lang sa kanila.

At that time na nagkakapalitan kami ng text ni Angge ay hindi pa raw nakikilala ni Mama Bob ang lalaki dahil hindi ito lumalabas ng kuwarto niya.

Baka noong mga nagdaang araw ay nakilala na rin ng adoptive mother ni Angeline ang guy bago ito pumanaw.

Hmmm, ang sinasabi kaya ni ‘Nay Cristy na boyfriend ni Angeline ay same guy din kaya ng pinagkuwentuhan namin noong nakaraang taon?

Marami pa kaming mga tsikahan ng dalagang mang-aawit tungkol sa mga payo sa kanya pagdating sa guy ng mga taong malapit sa kanya at much appreciated naman daw niya iyon.

If ever nga na iisang guy nga ito ay iisa lang ang ibig sabihin, mahal talaga ni Angge ang tatay ng magiging anak niya dahil ipinaglaban niya ito. In fairness may itsura ang boyfriend niya, saibi nga niya sa panayam niya kay Boy Abunda, “Magugustuhan ko po ba ‘yun kung hindi.”

Angeline nahawa ng COVID sa taong nakasabay sa pagkain: Siguro napabayaan ko rin ang sarili ko…

Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa

Angeline sa ‘super retokada’ comment ng hater: Ako rin minsan, hindi ko namumukhaan ang sarili ko

Read more...