DongYan ibabandera ang powers ng Pinoy sa ‘Year of the Superhero’ ng GMA; Dingdong, Heart, Bea sanib-pwersa na

Heart Evangelista, Bea Alonzo, Dingdong Dantes at Marian Rivera

KASADO na ang muling pagsasanib-pwersa ng Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa isang bongga at makabuluhang proyekto.

Sila ang napili para sa magkuwento at magbahagi sa sambayanang Filipino ng inihandang year-end special GMA News and Public Affairs na may titulong “Year of the Superhero”.

Mapapanood dito ang iba’t ibang inspiring stories ng mga Pinoy superhero na bumida sa “most heroic moments of 2021.”

“What does it take to be a superhero?” Yan ang tanong na hahanapan ng sagot nina Dingdong at Marian bago salubungin ng sambayanang Filipino ang 2022.

DongYan are no strangers to stories of the superhuman kind, having played iconic heroes on GMA’s primetime shows, pero ang tanong: paano na ang bayani na hindi nabibigyan ng pagkilala sa mga pelikula, teleserye at libro?

The Primetime King and Queen collaborated with some of the industry’s finest – international artist Leeroy New, award-winning children’s book author Augie Rivera, and the acclaimed Director Rico Gutierrez — in an hour-long special honoring our modern-day heroes.


Ipakikita ni Marian sa publiko ang giant 3D art installation na gawa ng contemporary Filipino artist na si Leeroy New. His inspiration was drawn from the stories of ordinary citizens who lifted our spirits in the midst of adversities in the year 2021.

“Leeroy’s work depicts the inspiring stories of the Olympians who raised our flag in Tokyo, the nurses who saved 35 infants from a burning hospital, and the youth behind the community pantry initiative which made headlines this year,” ayon sa pahayag ng GMA.

Babalikan din ng Kapuso couple ang rescue mission para sa mga survivors ng C-130 Hercules aircraft na nag-crash sa Sulu; ang pagtulong ng isang police officer sa isang babaeng manganganak na sa Capiz; at ang viral story ng isang babae na hindi natakot iligtas ang alagang aso mula sa umaandar na train.

Abangan din ang pagsaludo nina Dingdong at Marian sa kabayanihan ng ilan nating mga kababayan sa pamamagitan ng comic book storytelling directed by GMA’s renowned director Dominic Zapata.

Mapapanood ang “Year of the Superhero” sa Jan. 1, 2022, 7:45 p.m., sa GMA.

* * *

Speaking of Dingdong, mukhang isa nga sa mga maituturing na lucky charm ng GMA ang aktor sa kanilang GMA Affordabox campaign ad dahil sa mas pinabongga pa ang reach nito ngayong taon.

Mas lalo pa ngang nadagdagan ang nagniningning na endorsers nito dahil kasama na rin ngayon ni Dingdong at ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo.

Ginawa na rin itong mas affordable kaya naman perfect na pangregalo ang Kapuso digital TV receiver ngayong Kapaskuhan. 

Para sa next level na entertainment experience, maraming magagandang features ang GMA Affordabox na swak sa panlasa ng viewers. 

Mapapanood dito ang anim na Kapuso channels – GMA, GTV, I Heart Movies, Heart of Asia, Hallypop, at DepEd TV  – pati na rin ang ibang free-to-air channels na nasa digital broadcast sa kanilang lugar.

Read more...