Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
KUNG may isang life lesson na natutunan at isinasapuso ngayon ng Kapamilya actor-singer na si Daniel Padilla ngayong pandemya, yan ay ang mas pahalagahan at pasalamatan ang bawat sandali ng buhay.
Napakarami raw nabago sa pananaw at prinsipyo ng boyfriend ni Kathryn Bernardo simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas at magkaroon ng mahabang lockdown.
Naniniwala ngayon si Daniel na mas dapat bigyan ng pansin ang pamilya at ang iba pang mga mahal natin da buhay dahil nga na-realize niya na talagang napakaikli lamang ng buhay ngayon.
“I think mas binigyan ko lang ng importansya yung mga bagay na mahalaga sa akin. Ayokong sinasayang yung mga panahon.
“Na-realize ko din na napakabilis din kunin ng mga bagay sa atin so let’s not take anything for granted. Mas du’n ako, eh.
“Basta nag-enjoy ako sa ginawa ko, at maayos yung ginagawa ko at alam kong inspirational siya, I’ll do it. Laging ganu’n. Walang kapalit,” lahad ni Daniel sa panayam ng ABS-CBN.
Samantala, excited na rin si DJ sa pagpapalabas ng pelikula nila ni Charo Santos na “Kun Maupay Man It Panahon” sa 2021Metro Manila Film Festival.
“Nagulat din ako (nakasali sa MMFF). Hindi ko rin masyado inasahan na makakapasok pa kami. Well I think ito na siguro yung tamang timing din na mapanuod natin yung pelikula kasi siyempre nakaikot na din siya abroad sa iba’t ibang film festivals.
“So it’s the right time na mapanood na rin natin ngayon yung pelikula na atin din naman talaga na na-appreciate nila sa ibang bansa. Eh dapat lang natin mapanood na dahil atin yung pelikula na ito, sa atin nanggaling, sa atin nangyari, sa atin nagmula.
“So I’m very excited na mapanood nila kasi it’s very different and very beautiful,” sabi ni Daniel.
Ibang-iba ito sa lahat ng mga pelikulang nagawa ni DJ at umaasa siya na magugustuhan din ito ng mga Pinoy na tumatangkilik sa MMFF, “Hindi naman nila kailangan unahin. Pero siyempre isama niyo rin sa listahan niyo.
“If you want to watch something different, lalo na sa ating industriya ng pelikula, parang grabe yung offer ng pelikulang ito. Hindi lang dahil ako ito. No, kahit alisin niyo na ako sa visuals ninyo.
“Ang layo pa pala ng puwede nating marating sa pelikula. Excited lang ako dahil iba yung mao-offer ng film na ito. So sa mga manonood sa MMFF, isama niyo naman sa listahan ninyo for a different ride,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/290588/daniel-dominic-nagkaproblema-dahil-sa-isa-pang-anak-ni-karla-estrada