Jessy takot na takot noon kay Cherry Pie Picache: Baka kainin ako nang buhay!

Cherry Pie Picache, Edu Manzano, Jessy Mendiola at Edu Manzano

SUPER excited na si Jessy Mendiola na makita uli at makachikahan ang award-winning actress na si Cherry Pie Picache.

Matagal nang kakilala ng misis ni Luis Manzano si Cherry Pie at nakatrabaho na rin niya ito sa isang teleserye niya sa ABS-CBN, ang action-drama series na “Sandugo”.

Inamin nina Jessy at Luis na nagulat din sila nang malamang magkarelasyon na sina Cherry Pie at Edu Manzano kaya looking forward sila na magkasama-sama uli sila very soon.

Hindi pa raw kasi pormal na ipinakikilala sa kanila ni Edu si Cherry Pie bilang girlfriend at wala pang pagkakataon para magkita-kita sila.

Sey ni Jessy, excited na siyang ma-meet uli nang personal ang aktres bilang girlfriend ng kanyang father-in-law na si Edu.

“Ano po, e, nakatrabaho ko na rin po si Ms. Pie. But as girlfriend ni Daddy Yo (tawag niya kay Edu), hindi pa.

“Yes, gusto ko siyang ma-meet. Kaya sana po pagbalik nila, makapag-dinner kami soon.

“Ang cute-cute nga po nila. Sabi ko, ‘Love, tingnan mo si Daddy Yo at si Tita Pie, o. Kuma-KathNiel.’ Ang cute-cute nila,” ang kinikilig na chika ni Jessy sa isang interview na ang tinutukoy ay ang reel and real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ito’y base na rin sa mga sweet photos nina Edu at Cherry Pie na nakita ni Jessy sa social media na kuha sa pagbabakasyon ng celebrity couple sa Amerika.


Dagdag pang kuwento ng aktres, si Luis mismo ang nagsabi sa kanya ng tungkol sa relasyon nina Edu at Cherry Pie.

“Opo, sinabi po ni Luis sa akin bago pa man po lumabas na sila na. Mga, I think, a month ago. Not sure po.

“But ano po, nung tinext po siya ni Luis, ‘Hey, I found out.’ ‘I’m just so happy, anak,’ gumanu’n si Daddy Yo,” sey pa ng misis ni Luis.

Sa tanong naman kung ano ang itatawag niya kay Cherrie Pie, “Tita Pie? Puwede naman po. Kasi kapag magkasama kami, Ms Pie kasi ang tawag ko sa kanya nung magkatrabaho kami sa Sandugo.”

Paglalarawan pa niya kay Cherry Pie na nakatrabaho nga niya sa Kapamilya series na “Sandugo” na umere noong Sept. 30, 2019 at natapos ng March 20, 2020, ay napakabait nitong tao.

“Sobrang bait po ni Tita Pie. As in talagang, nung una, mas natakot po talaga ako sa kanya kasi siyempre veteran actress, ang galing umarte, baka kainin ako sa eksena.

“Sabi ko, ‘Baka kainin ako nang buhay ni Ms. Pie.’ Pero nu’ng nakatrabaho ko siya, sobrang bait niya. Sobrang helpful niya pagdating sa mga eksena. Yung matututo ka talaga.

“Hindi ka matatakot sabihin na, ‘Ms. Pie, pasensya na po. Kailangan ko lang gawin ito sa scene,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/299512/cherry-pie-nakasama-ang-mga-anak-ni-edu-sa-amerika
https://bandera.inquirer.net/299336/hirit-ni-luis-sa-relasyon-nina-edu-at-cherry-pie-feeling-ko-baka-sila-na-ang-itapat-sa-kathniel
https://bandera.inquirer.net/298024/true-ba-cherry-pie-picache-edu-manzano-may-relasyon-daw

Read more...