‘Pototoy’ ni Luis Hontiveros pinagpiyestahan ng mga beki: Ayun ‘lumangoy’ sa waterfalls

Luis Hontiveros

MAS lalong dumami ang nagpapantasya ngayon sa Kapuso hunk actor na si Luis Hontiveros dahil sa pagpapakita niya ng private parts sa pelikulang “Palitan” ni Brillante Mendoza.

In fairness, umarangkada agad bilang Top 1 content ng Vivamax ang nasabing erotic-drama movie na nagsimula itong ipalabas last Friday, Dec. 10.

At kasunod nga nito ang pagkalat sa social media ng screenshot ng “dick slip” photo ni Luis mula sa foursome love scene nila nina Jela Cuenca, Cara Gonzales at Rash Flores sa isang waterfalls.

Nakunan kasi ng drone camera ang paglabas ng pagkalalaki ni Luis nang hubarin niya ang suot na shorts habang nagchuchurvahan sila ni Jela. May kuwento pala kung bakit nag-hello si “Junjun” sa eksenang yun.

“Not like Rash, I didn’t have the balls, the courage to go all out na walang plaster, but I had plaster on set bago lumusong sa tubig.

“Dahil nga nasa waterfalls, rushing ang water, malakas yung current, hindi na kinaya ng plaster. Nainitan na siguro, ayun lumangoy, naging entrance fee na lang sa waterfalls.

“Siya na yung pambayad ng aming pag-u-utilize sa kanyang beauty, ng location. My reaction to the photo, I didn’t know. It’s not easy, to be honest, it’s not easy,” paliwanag ni Luis sa ginanap na final virtual mediacon kahapon para sa “Palitan.”

Patuloy ng binata, “I mean, anyone or unless you’re a pornstar, you’d be completely proud and okay about it.

“But I’m proud of the film. Kung ano yung naibigay, maibibigay na experience ng aming pelikula, I’m proud of that. That unfortunate accident, let it be something na experience na lang to the viewers. I will leave it at that.

“Kung mas matuwa sila, that’s good. Kung ano yung maramdaman nila, sa kanila na lang yun. But for me, I kept it professional.

“Hindi ko na gustong putulin pa, magpa-cut ako kay Direk, iantala pa ang lahat kasi mainit na ang araw na yun,” aniya pa.

Aniya, wala siyang idea na nakatutok pala sa kanila ang drone camera at ingat na ingat talaga silang apat sa pinag-uusapang foursome love scene.

Mabilis daw siyang tumalikod nang matanggal ang plaster sa kanyang private part pero nakita pa rin ito sa pelikula. Hindi na rin niya naisipan na ipa-cut ang eksena.

“Unang-una, napakalamig ng tubig so it would be somewhat unprofessional for me to cut off the whole scene just to kabitan na lang ulit ng plaster.

“Ako, I did my best. I just didn’t know, hindi sinabi sa akin na nandoon na pala yung drone sa taas ko kasi may kamera sa likod namin,” sabi ni Luis.

In fairness, mas lalong na-curious ang mga beking supporters ng dating “Pinoy Big Brother” housemate dahil sa kanyang “dick slip” photos na kalat na kalat na ngayon sa internet.

https://bandera.inquirer.net/298331/luis-hontiveros-hindi-ipinaalam-sa-pamilya-ang-paghuhubad-sa-palitan-ni-brillante-mendoza
https://bandera.inquirer.net/300017/palitan-ni-brillante-mendoza-mapapasama-kaya-sa-film-festival-sa-ibang-bansa

Read more...