Steve Harvey at Bea Gomez
SIGURADONG inatake ng matinding nerbiyos ang mga Filipino pageant fans sa announcement ng Top 16 semi finalists sa ginaganap ngayong Miss Universe 2021 sa Eilat, Israel.
Pangatlo kasi sa huli na tinawag ng host na si Steve Harvey si Miss Philippines Bea Gomez para sa Top 16 semi finalists.
Unang tinawag para sa unang batch sina Miss France, Miss Colombia, Miss Singapore, Miss Panama at Miss Puerto Rico.
Sumunod na inihayag ni Steve na pumasok sa Top 16 na rarampa sa next round ng pageant sina Miss Bahamas, Miss Japan, Miss Great Britain, Miss USA at Miss India.
Pasok sa third batch sina Miss Vietnam, Miss Aruba, Miss Paraguay, Miss Philippines, Miss Venezuela at Miss South Africa.
Nang tawagin na ang pangalan ni Bea bilang bahagi ng Top 16, talagang nagsigawan ang mga tao sa loob ng Universe Dome sa Eilat, Israel.
Dahil dito, nagbiro ang host ng pageant at ipinaalala sa mga nagtitilian at nagpapalakpakang Pinoy na nasa Israel sila ngayon.
Tinanong din niya si Bea tungkol sa kanyang tattoo sa braso at ayon sa dalaga, ang ibig sabihin daw nito ay “rebirth” at “new beginnings.”
Sa isang interview sinabi rin ni Bea na ipina-tattoo niya ito noong 23rd birthday niya na ang ibig sabihin au “blossoming into womanhood.”
“It’s an armband. Some say it represents death. But to me, it represents the end of my being a girl and the cherry blossom detail is me becoming a woman,” paliwanag ng beauty queen.
https://bandera.inquirer.net/284283/rabiya-mateo-pasok-sa-top-21-ng-miss-u-pero-laglag-na-sa-final-10
https://bandera.inquirer.net/284305/steve-harvey-olivia-culpo-trending-sa-socmed-habang-ginaganap-ang-2020-miss-u