Marian Rivera umani ng palakpakan at sigawan bilang Miss Universe 2021 judge

Marian Rivera

NAPAKALAKAS ng sigawan at palakpakan nang ipakilala na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang isa sa mga judges ng Miss Universe 2021 pageant.

Kasalukuyang ginaganap ngayon sa Eilat, Israel ang ika-70 edisyon ng isa sa pinakasikat na international pageant all over the universe at siguradong buong mundo ang nakatutok ngayon dito.

In fairness, lutang na lutang ang kagandahan ni Marian nang ipakita siya sa pagsisimula pa lang ng pageant.

Hindi talaga siya nagpakabog sa mga kapwa hurado dahil sa kanyang awra na pang-beauty queen din ang datingan.

Kabilang din sa selection committee ng Miss Universe 2021 sina Miss Universe 2016 Iris Mittinaere, entertainment host Adamari Lopez, entrepeneur-model Lori Harvey, actress Rena Sofer at Bollywood actress Urvashi Rautela.

Abangan ang iba pang detalye sa mga kaganapan sa Miss Universe 2021 dito sa BANDERA.

Read more...