Pagbabalik ni John Lloyd sa GMA dumaan sa butas ng karayom; Willie walang makakasundong babae

Willie Revillame at John Lloyd Cruz

WINELKAM na ni Wllie Revillame si John Lloyd Cruz bilang certified Kapuso sa programa nitong “Wowowin” nitong Biyernes kung saan nag-guest ang aktor.

Matatandaang ang TV host ng “Tutok to Win” ang naging dahilan para makapag-guest si Lloydie sa TV special ng Shopee noong Hunyo hanggang sa pumirma na nga ito ng kontrata sa GMA 7 para sa sitcom na “Happy ToGetHer” na malapit na ring mapanood.

Say ni Willie sa aktor, “Welcome sa Wowowin at welcome sa bago mong tahanan of course, dito sa GMA 7, welcome.”

Ganting sagot naman ni JLC, “Kung hindi dahil sa ‘yo, hindi lalakas ang loob ko, kung hindi dahil kay direk Bobot (Mortiz), hindi mabubuo ‘yung kumpiyansa na bumalik. 

“Kung hindi dahil sa pamilyang nabuo namin nina direk Bobot, di ba, hindi mabubuo ‘yung nag-udyok sa akin na bumalik at magtrabaho ulit,” sabi ng aktor.

Biglang nagbalik-tanaw si Willie sa naging proseso ng pagbabalik-showbiz ni John Lloyd, talagang nahirapan daw sila at dumaan sa butas ng karayon para maging maayos ang paglipat ng aktor sa Kapuso network na inuna munang magsabi kay ABS-CBN CEO Carlo Katigbak.

“I’m thankful to Mr. Karlo Katigbak dahil pinagpaalam kita, naalala mo? Siyempre, ‘yung respect natin sa kanila, na sabi ko, magiging guest ka sa Shopee, and then, okay naman. In fairness to Mr. Karlo Katigbak, napaka-gentleman.

“Kaya Karlo Katigbak, Sir, maraming salamat, now he’s part of…dito na, magkasama na kami, with of course, your permission,” sabi ni Willie.

Samantala, ngayong araw ang “12-12” big Christmas sale ng online shop na ineendorso nina Willie at Kris Aquino at mapapanood mamaya, 10:30 p.m. sa GMA kung saan makakasama rin sina Dingdong Dantes at Jose Mari Chan with Rayver Cruz, Michael V, Ben & Ben at iba pang GMA artists.

Anyway, kapansin-pansin ang malaking pagbabago ngayon kay Willie na tila pagod na pagod ang itsura ayon sa mga nakakakilala sa kanya pero hindi naman ito napapansin ni ‘Nay Cristy Fermin na parating nakakausap ng TV host.

Sa kanyang “Cristy Ferminute” online show ay isa ito sa naging talakayan ng manunulat at ng co-host niyang si Romel Chika.


Simula ni ‘Nay Cristy, “Ang sabi ng iba, sana raw, magkaroon si Willie ng pahinga. Ako na po ang nagsasabi sa inyo, bukod sa pagiging sikat na TV host, bukod sa pagiging bilyonaryong TV host, siya po ang pwede nating lapatan ng titulong ‘ang lalaking walang pahinga.’

“Eh kahit naman may pahinga siya, may ginagawa pa rin siya, eh. Alam mo pag, Sabado’t Linggo, day, Diyos ko, hindi mo siya makakausap. Nagpapalipad ng chopper. 

“Una, sa Iruhin muna siya, sa Tagaytay, andu’n ‘yung mga villa-villa niya katabi ng mansyon niya na overlooking Taal volcano and lake. Pagkatapos nu’n, lilipad naman siya ngayon ng Mindoro, di ba, andu’n naman ‘yung pinapagawa niyang hotel,” ani Nay Cristy.

Kaya ang sapantaha ng host, “Alam mo, wala siyang makakasundong babae talaga, eh. ‘Yung matagalan. Kaya hayan, mabuhay na lang siyang ganyan.”

Pero feeling namin, hindi na  hinahanap ni Willie ang lovelife dahil parang kuntento na siya sa mga apo niya na nagpapasaya sa kanya ngayon.

https://bandera.inquirer.net/289568/rason-ni-john-lloyd-kaya-nagbalik-showbiz-gusto-ko-makita-ako-ng-anak-ko-na-nagtatrabaho

https://bandera.inquirer.net/288756/willie-sa-paglipat-nina-bea-john-lloyd-at-pokwang-sa-gma-pabayaan-natin-kung-saan-sila-masaya

Read more...