Mikoy na-intimidate sa unang salang sa Bubble Gang: Iba ang epekto sa akin ni Kuya Bitoy!

Michael V at Mikoy Morales

TODO ang pasasalamat ng Kapuso actor na si Mikoy Morales kay Michael V dahil sa dami ng mga natutunan niya bilang isa sa cast members ng longest-running gag show ng GMA, ang “Bubble Gang.”

Kamakailan ay nagdiwang nga ng ika-25 anibersaryo ang programa at sa ginanap na virtual mediacon ng GMA para sa “Bubble Gang” at  masayang ibinahagi ni Mikoy ang kaniyang karanasan at natutunan mula sa show at kay Bitoy.

Aniya, tulad ng mga kasamahan niya sa gag show, itinuturing din niyang mentor ang Kapuso comedy genius dahil nga sa dami ng naituro nito sa kanya sa larangan ng pagpapatawa.

“On a personal level, iba ang epekto sa akin ni Kuya Bitoy dahil naramdaman ko talaga yung tiwala niya.

“Lagi niyang sinasabi, kung may naiisip ka gawin mo. Kung hindi mo maipagawa sa iba, equip yourself with the skills needed para magawa mo ‘yun. Gawan mo ng paraan, laging ganoon,” pahayag ni Mikoy.

Inamin din ng binata na totoong na-intimidate siya sa unang salang niya sa set ng “Bubble Gang” ilang taon na ngayon ang nakararaan.


“Nakaka-intimidate sumalang sa set ng Bubble Gang dahil ang tagal na nung mga taong nandoon. At the same time, magagaling talaga sila. 

“May mga times na bilang taped siya, pag-punchline mo wala namang live audience na magre-react, so tahimik. 

“‘Yun ‘yung nakakapanibago noong una. ‘Di mo alam kung nakakatawa ba yung ginawa mo o hindi,” sabi pa ng komedyante.

Gayunpaman, hindi siya pinabayaan ng kanyang mga kababol, “Itong mga taong ‘to, they were also the ones who showed me how to get over my apprehensions.

“Kung wala ka sa set ng Bubble Gang at talagang manood ka lang sa kanila sa kung paano sila behind the scenes, how they work, you will see that it’s more than just pagpapatawa,” diin pa ni Mikoy.

* * *

Namamayagpag ngayon ang Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden sa pagperform ng Original Soundtracks ng mga bigating teleserye sa Kapuso Network.

Isa na rito ang self-penned song niya na “Our Love” na ginamit sa top-rating primetime series ng GMA na “I Left My Heart in Sorsogon” ni Heart Evangelista.

Matatandaan naman na si Garrett din ang boses sa likod ng “Ang Aking Aawitin” na theme song ng blockbuster primetime series na “The World Between Us” na pinagbibidahan ni Alden Richards.

At ngayon naman, mas kikiligin pa ang viewers dahil sa nakaka-in-love na rendition ni Garrett ng kantang “Sa Musika” ang OST ng “Stories From The Heart: Love on Air” na napapanood pagkatapos ng “Las Hermanas” sa GMA Afternoon Prime. Bida naman dito sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Talagang patok na patok ang golden voice ni Garrett kaya naman well-deserved ng Kapuso Soul Balladeer ang natanggap na Male Pop Artist of the Year award mula sa PMPC Star Awards for Music ngayong taon. 
https://bandera.inquirer.net/290308/mikoy-malalim-ang-hugot-habang-nasa-lock-in-taping-its-weird-i-thought-i-was-mentally-prepared
https://bandera.inquirer.net/295102/tropa-ng-bubble-gang-na-starstruck-kay-bea-grabe-ang-galing-galing-niya

Read more...