Claudine tuloy pa rin ang pagtakbo bilang konsehal sa Gapo

Claudine tuloy pa rin ang pagtakbo bilang konsehal sa Gapo

NILINAW ng beteranang aktres na si Claudine Barretto na hindi totoo ang kumakalat na balita na aatras na siya sa pagtakbo bilang konsehal sa Olangapo City.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost niya ang screenshot ng isang article mula sa isang entertainment website patungkol sa kanyang pag-atras sa darating na 2022 elections.

“Mga palanggas ko sa Olongapo & Claudinians, ‘di po totoo na nag-backout ako sa pagtakbo ng councilor of Olongapo.

“Tuloy po ang aking pagtakbo. Please stop spreading lies and fake news. Thank you po and have a great day,” saad ni Claudine.

Makikita ring naka-tag ang talent manager nito na kasalukuyang tumatakbo bilang alkalde ng Olongapo na si Arnold Vegafria.

Matatandaang sa isang episode ng “Cristy Ferminute” ay nabanggit ni ‘Nay Cristy na mukhang hindi na tutuloy si Claudine sa pagtakbo bilang konsehal ng Olongapo.

Ayon rin sa kanya, isa sa mga dahilan kung bakit nag-backout ang aktres sa pagtakbo dahil hanggang ngayon raw ay wala pa ring ibinibigay na pondo sa kanya ang talent manager.

“Hindi na daw po sumasama si Claudine dahil ang pangako daw sa kanya ni Arnold Vegafria nung kunin siya para tumakbo bilang konsehal ay si Arnold ang taya sa lahat ng gastos. Wala daw anumang gagastusin si Claudine basta tumakbo daw,” saad ni ‘nay Cristy.

Pero ngayon nga ay tinapos na ni Claudine ang usap-usapan patungkol sa kanyang pag-backout at nilinaw na tuloy na tuloy pa rin ang kanyang pagkandidato.

Marami naman ang nagpaabot ng suporta sa aktres matapos linawin na tuloy na tuloy ang kanyang pagtakbo.

“Batang gapo here…may not be home now but my family will definitely support you,” saad ng isang netizen.

“Go Miss Clauuu!!!!!! God knows how genuine your are to serve!!!” comment  naman ng isa pa.

“Praying for wisdom po sa lahat ng decision niyo Ms. Clau, basta always pray po for everything before anything else. I am always rooting for your joy and success!” sey naman ng isa pa.

 

Related Chika:
Claudine aatras na nga ba sa pagtakbo bilang konsehal sa Gapo?

Read more...