Rita Daniela at Ken Chan
DIRETSAHANG tinanong ng Kapuso actress at TV host na si Rita Daniela ang kanyang ka-loveteam na si Ken Chan kung totoong na-in love ito sa kanya.
Maraming fans ang umaasa na sina Ken at Rita na nga ang magkakatuluyan sa ending dahil bukod sa bagay na bagay sila ay malalim na rin ang pundasyon ng kanilang espesyal na pagkakaibigan.
“Na-in love ka ba sa akin noong kinunan natin ‘yung first ever love scene natin nang bonggang-bongga?” ang tanong ni Rita sa isang recorded video para kay Ken sa “TaranTanong” segment ng Kapuso morning show na “Mars Pa More.”
Chika pa ni Rita, “Like kahit 30% lang? Or sige bawasan natin, 10%. Na-inlove ka ba sa akin, just for that moment where you felt na ‘nothing’s gonna stop me na parang kami lang ‘yung nandu’n sa mundo na ‘yun?'”
Ang sagot naman ni Ken sa kanyang leading lady, “Yes, mga 70%. Hindi 100% kasi…70% dahil hindi pa talaga ako ready pumasok sa isang relationship. Kagagaling ko lang sa isang mahabang relationship na umabot ng three years.”
Patuloy pa niyang paliwanag, “Na-enjoy ko ‘yung single life, na-enjoy ko ‘yung trabaho, na-enjoy ko ‘yung circle of friends, ‘yung time ko sa family ko.
“And ine-enjoy ko ‘yung moment as until now. Ayun ang nararamdaman ko, hindi pa talaga ako ready pumasok sa isang (relationship),” sey pa ng Kapuso actor.
Sey pa ni Ken, pagdating daw sa pakikipagrelasyon ay talagang all out siya, ibibigay daw niya ang lahat-lahat para sa taong minamahal kaya hangga’t maaari ay i-enjoy niya muna ang single life.
“Tsaka kilala ko ‘yung sarili ko, kapag pumasok ako sa isang relationship, 100% todo-bigay. So sabi ko huwag muna,” pahayag pa ng binata.
In fairness naman sa tambalang RitKen, talaga namang may napatunayan na rin sila sa larangan ng pag-arte kaya naman isa ang tambalan nila sa mga pambentang loveteam ng GMA 7.
Huli silang napanood sa Kapuso series na “Ang Dalawang Ikaw,” kung saan gumanap si Ken bilang isang may lalaking may mental illness na tinatawag na dissociative identity disorder.
Maswerte ring napili ang pelikula nilang “Huling Ulan Sa Tag-araw” para maging official entry sa Metro Manila Film Festival 2021 na magsisimula sa Dec. 25.
https://bandera.inquirer.net/287629/rita-daniela-ken-chan-may-sariling-diskarte-sa-paggawa-ng-love-scene-kailangang-maging-makatotohanan
https://bandera.inquirer.net/292119/rita-ken-nagluluksa-rin-sa-pagpanaw-ni-mahal-sunud-sunod-na-pasabog-sa-pagtatapos-ng-ang-dalawang-ikaw