Jason Francisco ‘babe’ ang tawag kay Sunshine Cruz: Parang na-feel ko lang…

Jason Francisco, Melai Cantiveros at Sunshine Cruz

“BABE” pala ang tawag ng Kapuso comedian na si Jason Francisco kay Sunshine Cruz!

Pero bago mag-react ang mga “Maritess” all over the universe, biro-biro lang naman daw ito si Jason kay Sunshine para mas maging masaya ang kanilang lock-in taping para sa seryeng “Stories from the Heart: Love On Air”.

In fairness, bukod sa tambalan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ay talagang inaabangan din ng manonood ang tila nabubuong loveteam sa pagitan nina Jason at Sunshine.

Patuloy ang mainit na pagtanggap ng mga Kapuso viewers sa GMA afternoon drama anthology series na “Stories from the Heart: Love On Air” simula pa noong pilot week.

Talagang sinusubaybayan nila ang bawat karakter sa serye, hindi lamang ng lead stars kundi pati na rin ang iba pang memers ng cast. Kabilang na riyan si Ms. D o Deborah Gutierrez, na ginagampanan nga ni Sunshine at si Rommel Montella, na ginagampanan ni Jason.

Sila ang mga big boss nina Joseph o DJ Jojo (Khalil) at ni Wanda o Miss Wonderful (Gabbi) sa radio station na kanilang pinagtatrabahuhan bilang radio hosts.

Sa isang panayam, naichika ni Sunshine na halos lahat ng members ng cast ay unang beses pa lang niyang nakatrabaho pero madali lang daw niyang nakagaanan ng loob ang mga ito. 

“Tsaka ang kukulit nila, lalo na si Jason ang kulit-kulit, ang tawag sa akin babe? Pinipilit niyang meron kaming ano dito parang love story, e, wala naman.

“Kaya nga niloloko niya yung production na parang dapat daw may part 2 ang ‘Love On Air’ tapos kaming dalawa ang love team. Nakakaloka siya,” chika ni Sunshine.

Hirit naman ni Jason, “Parang na-feel ko na yun ang gusto niyang itawag ko sa kanya, ‘babe.’ Parang pumasok lang sa isip ko so ginawa ko kasi I’m thinking out loud I just say it para wala akong regrets.”

Pero agad naman itong nilinaw ng asawa ni Melai Cantiveros, aniya nais lamang niyang maging magaan at masaya ang kanilang taping at wala namang malisya ang pagtawag niya ng “babe” kay Shine.

“Hindi joke-joke lamang po iyon kasi, alam niyo yun, kapag sa taping po kasi parang iisa lang kami doon, so malayo kami sa mga pamilya namin so siya na muna ang itinuring kong ‘babe’ sa set. Alam naman ni Melai yun, na yun yung biruan namin ni Ms. Sunshine.


“Ang role kasi namin parang kami yung mga walang love interest, e, so boring yung buhay namin kasi nga puro work kami.

“Siya masungit, ako naman medyo seryosong ewan din, so ginagawan nalang namin ng istorya din yung set para naman maging masaya.

“Kasi, si Khalil lang at si Gabbi parang napaka-unfair naman na sila lang yung may love interest something, so kami naman, siyempre Christmas, so kailangan din namin ng love,” paliwanag pa ng komedyante.

Samantala, huwag nang bibitiw sa nalalapit nang pagtatapos ng “Stories from the Heart: Love On Air,” na napapanood pa rin Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Las Hermanas” sa GMA Afternoon Prime.

https://bandera.inquirer.net/281614/b-day-message-ni-jason-kay-melai-gusto-kong-mag-thank-you-sa-iyo-napakabuti-mong-asawa-at-nanay

https://bandera.inquirer.net/299076/love-on-air-nina-khalil-at-gabbi-trending-sa-socmed-gabli-fans-pinainit-ang-twitter

Read more...