Nadine, Viva nagkasundo na, tuloy ang ‘exclusive contract’ hanggang December 2029

Nadine, Viva nagkasundo na, tuloy ang 'exclusive contract' hanggang December 2029

TULUYAN nang nagkasundo ang actress-singer na si Nadine Lustre at ang kanyang talent management firm na Viva Artists Agency patungkol sa kanyang exclusive contract hanggang December 2029.

Ayon sa statement na inilabas ng legal counsels ni Nadine noong Biyernes, December 10, nagkasundo na ang dalawang kampo na ipagpapatuloy ng aktres ang pagiging exclusive talent ng Viva while retaining her “rights to decide” sa mga bagay na may kaugnayan sa kanyang image at branding.

“Nadine and Viva Artists Agency have settled their legal issues under terms that are fair and mutually beneficial.

“Nadine and Viva have agreed to continue their professional relationship on an exclusive basis until 31 December 2029 with Nadine retaining her rights to decide on matters in connection with her branding and image,” saad ng kampo ni Nadine.

Nagdesisyon na rin ang dalawang kampo na hindi na magsasalita pa patungkol sa isyu upang maiwasan na rin ang posibleng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila.

“For now, Nadine and Viva remained committee and focused on providing quality entertainment.

Enero 2020 nang ianunsyo ni Nadine ang ang pagiging “self-managed” artist at ang tuluyang “termination” ng kanyang kontrata sa Viva.

Matapos nito ay mas pinagtuunan ng aktres ng pansin ang paggawa ng kanta at tuluyang nakapag-release ng album na “Wildest Dreams” sa ilalim ng Careless label noong Oktubre 2020.

Disyembre 2020 naman nang mag-file ng kaso ang Viva Artists Agency laban kay Nadine dahil sa “continuous violation” ng aktres sa existing management contract nito sa kanila.

Hunyo 2021 naman ng maglabas ng resolusyon ang Regional Trial Court na kinakailangang tapusin ng aktres ang kanyang mga obligasyon sa Viva bilang exclusive contract artist.

Sa ngayon ay abala ang dalaga sa kanyang pelikula na “Greed” kasama si Diego Loyzaga sa ilalim ng Viva Films.

 

Related Chika:
Nadine kinontra ng korte, inutusang tapusin ang kontrata sa Viva

Read more...