‘ANONG nangyari? Ang ganda ng partnership nila bilang parehong direktor at producer at marami ang humahanga sa kanila dahil sa magandang ambag nila sa showbiz industry.’ Ito ang sumagi sa isip namin nang mabasa ang tweet ni Direk Jun Robles Lana kaninang 1 p.m. na hiwalay na sila ng kapwa niya direktor at IdeaFirst Company Presidient na si Perci M. Intalan.
Ang tweet ni direk Jun, “Hi guys. Perci and I have decided to part ways amicably. We wish each other well and will continue to be active co-parents for our children & business partners for our company. We request for privacy as we navigate this transition. Thank you all for your understanding & support.”
Matatandaang ikinasal sina direk Perci at Jun sa harapan mismo ng Bethesda Fountain, Central Park New York, USA noong Oktubre 14, 2013 na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan.
Sa pagkakatanda namin ay nagkakilala sina direk Perci at Jun thru common friend habang nasa Australia ang una at thru chat nagsimula ang kanilang love story.
Sakto kumuha ng crash course sa directing si direk Jun sa Australia at sabay na rin ng pagkikita nila roon ni PMI (tawag kay direk Perci).
Hanggang sa nakabalik na ulit ng Pilipinas si direk Jun at sumunod na si direk Perci at dito na itinuloy ang kanilang pagmamahalan at naging partner para itayo ang IdeaFirst Company noong 2014.
Magkatuwang ang dalawa sa pag-line produce ng mga movie projects tulad ng “Bwakaw”, “Mga Kuwentong Barbero”, “Dementia”, “Anino sa Likod ng Buwan”, “Sleepless”, “I love You To Death”, “Die Beautiful”, “Bakit Lahat ng Guwapo may Boyfriend”, “Ang Manananggal sa Unit 23B”, “I America”, “The Write Moment”, “The Debutantes”, “Ang Dalawang Mrs. Reyes”, “My Fairytale Love Story”, “Ang Pambansang Thirdwheel”, “Mr. and Mrs. Cruz”, “Gusto Kita with all my Hypothalamus”, “Ang Babaeng Allergic sa Wifi”, “Distance”, “Born Beautiful”, “Panti Sisters”, “Untrue”, “Unforgettable”, “Kalel 15”, “Gameboys: The Movie”, at itong entry nila sa 2021 Metro Manila Film Festival na “Big Night”.
Bukod sa pelikula ay may mga TV shows at web series din ang IdeaFirst na pawang tumatak sa mga manonood.
Maraming na-inspire sa love story nina PMI at direk Jun lalo na nu’ng magpakasal sila kaya nga ‘yung ibang magkakarelasyon ay gusto ring magpakasal sa Central Park.
Nalungkot kami dahil 10th wedding anniversary sana nila sa 2023 pero malay natin, baka naman may 2nd chance pa, baka kailangan lang nilang magpahinga kasi nga naman nakaka-stress ang panahon ng pandemya.
Sa kasalukuyan ay walang bagong post si direk Perci maliban sa promo ng pelikula ni Kokoy De Santos na “Amoral” na si Jun ang direktor. Mukhang maganda ang paghihiwalay ng dalawa dahil tuloy-tuloy pa rin ang partnership nila sa paggawa ng pelikula at iba pang programa sa TV at online series.
Related Chika:
Gay series na ‘Gameboys’ tatapatan na ng Girl’s Love story na ‘Pearl Next Door’