Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa

Angeline Quinto kumpirmadong buntis, sey ni Ogie Diaz

NAUNA na naming naisulat dito sa BANDERA na buntis si Angeline Quinto noong Disyembre 3 base sa kuwento ng aming source na kung hindi siya nagkakamali ay nasa 3 o 4 na buwan na ang kanyang dinadala courtesy of her non-showbiz boyfriend.

Pero wala namang kumpirmasyon mula kay Angeline hanggang ngayon na ayon ulit sa aming source ay ia-announce ito ng singer/actress soon.

Sa YouTube channel naman ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ay diretsahang inamin ng talent manager/vlogger na totoong buntis nga ang mang-aawit.

Sabi muna ni Mama Loi ay ibinalita ito ni ‘Nay Cristy Fermin sa kanyang “Cristy Ferminute” online show na tatlong buwang buntis nang buntis si Angeline.

“Ako naman nasagap ko 5 months, dinagdagan ko ng dalawang buwan, ha, ha, ha,” saad ni Ogie.

“Ha, talaga?” say naman ni mama Loi, “E di alam na ang gender no’n?”sabi ni mama Loi.

“Yes, 5 months at ang sabi sa akin lalaki kasi may common friend kami ni Angeline nag-tsika sa akin na 5 months na preggy sa isang non-showbiz,”say ni Ogie.

Tuwang-tuwa sina Ogie at mama Loin a lalaki ang panganay ni Angeline.

Samantala, trulili rin kaya na sa Amerika manganganak ang singer at posibleng magtagal siya roon, sa madaling salita panandalian muna siyang mamahinga sa showbiz dahil gusto niyang alagaan at palakihin ang anak during his formative years.

Binalikan namin an gaming source kung kailan mag-a-anunsyo si Angeline, “inaayos pa, hidi pa sure kasi kung kay Boy Abunda o sa ASAP para isahan na lang.”

Related Chika:
Angeline Quinto 3 buwan na raw buntis sa non-showbiz boyfriend?

Read more...