GIRL POWER ulit dahil inilatag na ng Miss Universe Organization kagabi ang all-female judges na hahatol sa kokoronahan ngayong taon.
Sa kanilang official Instagram page, inanunsyo na ng MU ang siyam na selection committee na kikilatis sa mga kandidata sa preliminary at final coronation night.
Actually, nagsimula na ang kanilang trabaho dahil umarangkada na ang mga larawan ng mga kandidata kabilang na si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez para sa closed door interview.
Makakasama ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang mga pasabog na supermodels, lawyers, advocates, at celebrities sa pagtingin ng magiging ambassadress ng organisayon.
Sa official website ng Miss Universe makikita ang mga profile ng bawat selection committee members. Kilalanin natin sila isa-isa:
ADAMARI LÓPEZ
Isang Latina actress si Adamari Lopez na namamayagpag din bilang entertainment host of “hoy Día”. Isa siya sa mga pinakakilalang personalidad sa Hispanic TV dahil na rin sa dami ng kanyang pinagbidahang soap opera.
Award winning presenter si Lopez simula nang magsimula siya sa Telemundo show na “Un Nuevo Dia” noong 2008.
Aktibo rin siya sa kanyang community work na naging dahilan para mapasama rin siya sa iba’t ibang organisasyon katulad ng “Save Lids to Save Lives” na nangangampanya sa paghahanap ng lunas sa kanser.
ADRIANA LIMA
Kabog din dahil for sure mababantayan ang pasarela since kabilang din sa hanay ng judges ng Miss Universe 2021 ang Brazillian supermodel na si Adriana Lima.
Nakilala lang naman siya bilang “the most valuable Victoria’s Secret Angel” noong 2017.
Maliban sa pagmo-model ay tinatahak na rin ni Lima ang film at television acting.
CHESLIE KRYST
Ang dating Miss USA 2019 na si Cheslie Kryst ay uupo rin bilang preliminary judge.
Passionate siya sa mga gawaing may kaugnayan sa criminal justice reform. Sa ngayon ay nagtatrabaho siya sa isang entertainment news show sa America.
IRIS MITTENAERE
Naalala niyo pa ba si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere na kinoronahan dito sa Pilipinas? Magiging judge din siya sa taong ito.
Bilang charity ambassador ng NYC-based Smile Train, iprinomote niya ang oral hygiene at nagsimula ng awareness campaign on oral health lalo na sa mga batang mag-aaral.
Nitong 2021, naging ambassadress din siya ng World Vision France na tutulong sa mga bata saanman sa mundo lalo na ang mga batang babae.
LORI HARVEY
Isang beauty entrepreneur si Lori Harvey bukod sa pagiging model at brand visionary.
Siya rin ang President at C.E.O. ng Lori Harvey Enterprises na nag-udyok para mabuo ang sariling skincare line na SKN by LH.
MARIAN RIVERA
Siyempre hindi rin natin makalilimutan si Marian Rivera. Siya na ang ika-10 na Pilipinong umupo bilang hurado sa Miss Universe.
Sa kanyang profile, inilarawan siya bilang multi-awarded actress at host na kinilala sa iba’t ibang role sa telebisyon katulad ng pagiging “Darna,” “Marimar,” at “Dyesebel.”
Binanggit din ang kanyang pagiging entrepreneur sa kanyang floral business.
Sinusuportahan din ni Marian ang iba’t ibang adbokasiya tulad ng operations para sa mga batang may cleft lips at palates, gayon din isa siyang ambassadress ng Little People na sumusuporta sa bata at kababaihang may disabilities.
Ginawaran din siya ng Breastfeeding Influencer and Advocate Award ng Mother and Child Nurses Association noong 2016.
RENA SOFER
Kabilang din ang Daytime Emmy award-winning actress na si Rena Sofer sa selection committee para sa finals competition.
Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang “Quinn Fuller Forrester” sa The Bold and the Beautiful.
RIA MOR GODER
Pipili din ng mapapabilang sa hanay nilang queens si Miss Universe 1976 at Israeli lawyer na si Rina Mor Goder.
Maliban sa pagiging abogado ay nakapaglathala rin siya ng aklat na pinamagatang “A Queen for a Year.”
Uupo si Goder bilang preliminary selection committee member.
URVASHI RAUTELA
Isang Bollywood actress, international performer, producer, singer, at philanthropist si Rautela mula sa India.
Kung matatandaan, isa siya sa mga naging official candidates ng Miss Universe 2015 kung saan naipanalo ni Pia Wurtzbach ang ikatlong korona para sa bansa.
For sure, matindi ang magiging trabaho ng judges lalo pa’t galing sila sa iba’t ibang industriya.
Gaganapin ang final coronation night ng Miss Universe 2021 sa Eilat, Israel ngayong Disyembre 12 (Dis. 13 sa Pilipinas)
Si Bea Gomez ng Cebu City ang magbabandera sa Pilipinas.
Related Chikas:
Marian rarampa na sa Israel; kinabog si Bea sa dami ng luggage
Bea Gomez tinuksu-tukso kay Miss Armenia: ‘Sige iuwi mo nang sabay ang korona at lovelife!’