Derek mas bumongga ang buhay dahil kina Ellen at Elias: It’s perfect! I love you baby!

Derek mas bumongga ang buhay dahil kina Ellen at Elias: It's perfect! I love you baby!
HABANG tumatagal ay mas nagiging masaya at matatag ang relasyon ng newlywed couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Ilang linggo na rin ang nakakalipas buhat nang ikasal ang dalawa sa isang private resort sa Bagac, Bataan pero bakas pa rin ang mas lalong tumatatag na relasyon ng dalawa.

Sa isang Instagram post ni Ellen ay ibinahagi niya ang ilang mga litrato ng kanilang sweet moments nila ni Derek at Elias bilang parte ng kanyang birthday greeting sa asawa.

“You make my mornings more beautiful. I love you my forever Gor (heart emoji),” saad ni Ellen.

Sagot naman ni Derek, “My life has been great but now that you and Elias are in, it’s perfect! I love you baby.”

Marami ring mga netizens ang bumati ng maligayang kaarawan sa aktor at pinuri ang kanilang relasyon ni Ellen.

Enero 2021 nang unang mamataang magkasama sina Ellen at Derek.

Pebrero nang inamin ng aktor ang pagka-crush niya kay Ellen sa pamamagitan ng pagko-comment sa post ni Ellen. Dito rin ay inamin na ng dalaga ang kanilang tunay na relasyon.

Marso 30 naman nang tuluyan nang mag-propose si Derek kay Ellen kasabay ng kanyang surprise birthday party na inihanda ng aktor.

Mula nang maging magkarelasyon sila ay kitang-kita rin ang pagiging close ni Derek sa anak ni Ellen kay John Lloyd na si Elias.

Hindi naman naging sagabal ang kanilang relasyon dahil maluwag na tinanggap ni Elias si Derek bilang kanyang second dad.

Nobyembre nang ikasal ang dalawa sa isang resort sa Bagac, Bataan.

Related Chika:
Derek hindi inaagaw si Elias kay John Lloyd: Mabuti siyang tatay at wala kaming isyu
#Confirmed: Ellen Adarna, Derek Ramsay ikinasal na!

Read more...