Rita Martinez at Rhen Escano
MAY bagong kilig series si Direk Sigrid Andrea Bernardo pagkatapos ng psychological thriller movie niyang “Untrue” nina Xian Lim at Cristine Reyes na ipinalabas noong 2018.
Ito ay ang “Lulu,” isang girl meets girl love story na pagbibidahan nina Rhen Escano at Rita Martinez na isang certified member ng LGBTQIA+ na unang nakilala bilang contestant sa “The Voice Season 2” noong 2014 na napabilang sa Team Kawayan.
Napansin ng ilang members ng press na dumalo sa virtual mediacon ngayong tanghali para sa “Lulu” na kahit nasa zoom lang ay may kilig factor ang tambalan nina Rita at Rhen.
Lalo na siguro kung face to face ito, tiyak mas mapapansin pa ang mga reaksyon nila at body language kaya naman diretso ang tanong namin sa dalawa kung posibleng maging sila in the future.
Grabe ang tawa ni Rhen na parang kinikiliti at kaya namin ito nasabi ay dahil hindi showbiz ang dalaga sa ilang beses na rin namin siyang nakapanayam kaya posibleng may naramdaman siya.
“Dapat ikaw (unang sumagot),” mahinang sabi ni Rhen kay Rita na tawa nang tawa.
“Well, ganito po yan ang friendship na na-establish along the way which is, it was genuine kung baga parang hindi po namin in-expect na magiging talagang close kami na masasabi namin even outside the show naging totoong magkaibigan kami.
“Kung baga, ha-hahaha! Pinakaimportante po ay ‘yung na-establish na friendship,” paliwanag ni Rita.
Say naman ni Rhen, “Lagi ko pong sinasabi na kapag may nakaka-work ako at na-feel ko ‘yung friendship, ‘wag tayong shooting or taping friends lang, ha. So ganu’n po.”
At sabay sabing, “Sana, sana! Ha-hahaha!”
Natanong din ang dalawang bida ng “Lulu” kung girlfriend material ba ang isa’t isa since nakita na nila ang qualities ng bawa’t isa.
“Siguro po, kahit po sabihin kong sanay na ako mag-lock-in (shoot), hindi talaga nawawala ‘yung anxiety, nalulungkot ako, nahihirapan ako and siguro ‘yung kapag kailangan ko ng kausap o kapag marami akong hanash nandiyan siya, nakikinig siya.
“Rare po ‘yun para sa akin na merong tao o kaibigan sa showbiz na makikinig sa ‘yo o hindi lang basta makikinig, talagang iintindihin ka.
“Ganu’n po siya (Rita) laging nakikinig sa akin kahit non-sense na ‘yung kinukuwento ko lagi siyang nakikinig every time na may mga nararamdaman ako o nahihirapan ako, I think ‘yun po,” masayang kuwento ni Rhen.
Sabi naman ni Rita, “Actually, in connection to that, with her naman, wala, e, she’s just real. Totoo siya kapag nag-uusap kami like mga hanash.
“Bihira lang ‘yung nagpapakatotoo ka which is very good quality for me no pretentions and no anything, and it wasn’t also hard to open up to her hindi rin siya mahirap pakisamahan at may mga natutunan din ako sa mga sinasabi niya and she’s very funny sa totoo lang, nakakatuwa siya.
“As a person I got to know her kahit short time lang na nagka-work ko siya there is friendship after this because we established that along the way habang nagso-shoot kami. she’s very genuine,” aniya pa.
Samantala, inamin din ng direktor ng “Lulu” na gusto niyang makabuo ng loveteam ng parehong babae dahil kung may loveteam nang nabuo sa mga BL series o movies ay ganu’n din sa GL at sana sina Rita at Rhen ang una. Nabanggit din ni direk Sigrid na kinilig din siya sa dalawa at sana nga magkatuluyan sila off-camera.
Mapapanood ang walong episode ng “Lulu” simula sa Enero 7, 2022 sa Vivamax.
https://bandera.inquirer.net/293526/rhen-escano-10-taon-naghintay-bago-bumida-sa-pelikula-hindi-ako-sumuko-laban-lang
https://bandera.inquirer.net/292145/sex-scenes-nina-jao-mapa-at-rhen-escano-sa-paraluman-1-take-lang-hindi-kami-nahirapan-pero