Bianca, JC 7 years nang mag-asawa: Minsan naiisip mo puro sa kids na lang ako…finally nasolo na kita!

Bianca Gonzalez at JC Intal

PITONG taon nang mag-asawa sina Bianca Gonzalez at JC Intal at marami ang nagsasabi na isa sila sa mga maituturing na ideal celebrity couple.

Nitong nagdaang Sabado, Dec. 4, ay nag-celebrate nga ang married couple ng kanilang seventh wedding anniversary.

Nag-post si Bianca ng litrato nila ni JC sa Instagram kalakip ang kanyang anniversary message para sa asawa.

Aniya sa caption, “Seven year SITCH. No one else I’d rather get bwisit with, and make bwisit, for the rest of my life than you @jcintal7.

“To the love of my life and father of our children, happy 7th wedding anniversary mahal!!!” pahayag pa ng Kapamilya TV host.

Sa isa pa niyang IG post, ibinahagi naman niya ang litrato ng basketball player na kuha sa beach na pinuntahan nila kamakailan kung saan sila nag-celebrate ng wedding anniversary.

“Alam ko minsan naiisip mo na puro sa kids na lang ako, pero eto na, finally, na-solo na kita. Aysuuus!” ang isinulat ni Bianca sa caption.


Pinakilig din ni Bianca ang mga netizens nang magbahagi siya ng kanyang message para sa 38th birthday ni mister last Nov. 18. 

“Lucia, Carmen (nga anak nila), and I are crazy about you! Happiest birthday to the # 1 man in our life!!!!

“Thank you for everything that you do for us, from the big things to the tiniest things. When it was just us two, my favorite trait of yours was your being maalaga.

“I didn’t think kaya pang lumevel up times 3 ng pagka-maalaga mo, but look at you now. We are very lucky to have you!” mensahe pa ng TV host kay JC.

Kung matatandaan, ikinasal ang dalawa sa isang intimate wedding ceremony sa El Nido, Palawan noong Dec. 4, 2014. Taong 2019 naman nang nag-renew sila ng wedding vows masabay ng kanilang fifth wedding anniversary.

Bianca dumepensa sa bashers ng PBB: It’s not an artista search

Read more...