Melai Cantiveros, Fifth Solomon, Toni at Alex Gonzaga
MASARAP kasama, magaan katrabaho, masayahin at generous. Yan ang nariring naming mga komento patungkol kay Melai Cantiveros-Francisco ng mga taong nakatrabaho niya.
Mula nang maging Big Winner sa “Pinoy Big Brother: Double Up” noong 2015 hanggang sa pasukin na niya ang pag-aartista at pagho-host ay puro papuri pa rin ang natatanggap niya.
Sa ilang beses naming nakapanayam si Melai sa ABS-CBN noong wala pang pandemya ay masasabi naming napakabait niyang tao at mararamdaman mo ang kanyang sinseridad at nakikita rin iyon sa kanya sa morning show na “Magandang Buhay.”
At ito rin ang nakita ng magkapatid na Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga-Morada kay Melai kaya pala isinama nila talaga ang komedyana sa pelikulang ipinrodyus ng una, ang “Marry Marry Me” na unang entry ng TinCan Productions sa Metro Manila Film Festival 2018.
Kaya dito sa “The ExorSis” ay ka-join na naman si Melai kasi nga lucky charm daw siya ng Gonzaga sisters at sinabi rin nitong suwerte siya sa ginanap na virtual mediacon.
“Sobra akong suwerte talaga dito sa show business world na nakatagpo ako ng mag-sissums talaga. Hindi, Bai basta-basta ang mag-sissums na ’yan lalo na si Ate Toni. Kaya thank You, Lord. Hindi naman basta-basta na maging kaibigan mo sina Ate Toni at Alex, uy! Sobra talaga akong grateful,” pag-amin ni Melai.
Say naman ni Alex, “Kami, happy kami kasi si Melai mahal na mahal ng taumbayan. Mula PBB, Your Face Sounds Familiar, Magandang Buhay, talagang hinahanap-hanap ng buong sambayanan.”
Pero hindi naman naniwala si Melai, “Wag kayong maniwala diyan kay Alex, ganyan talaga ’yan siya sa akin. Ewan ko na lang. Basta ako sobrang grateful ako as magkapatid kasi lahat ng movie nila sinasama nila ako kaya thank you.”
Hirit uli ni Alex, “’Di be, ate sa Mary, Marry Me kasama si Melai tapos supposedly may gagawin tayong movie but because nagka-pandemic parang magsa-suffer ang mga eksena kaya hindi na natin ginawa? Kasama rin si Melai doon. Kapag gumagawa tayo ng movie talagang it’s a must na dapat kasama pa rin si Melai.”
Nagulat si Melai kaya tila nataranta sabay sabing, “Grabe talaga sila Ate Toni at Direk Paul (Soriano). Hindi ko na talaga kinakaya.”
At inamin na ni Toni na plano niyang ipag-produce si Melai ng solo movie nito, “Ako naman, ang dream ko, talagang makapag-produce ng starring role ni Melai.”
Biro naman ni Alex, “Matutuloy na ba ’yong project n’yo na papalitan nyo na ’yong TinCan ng MelaiCan?”
Samantala, inamin din ni Toni na ang husband niyang si direk Paul ang nag-encourage sa kanya na pasukin na rin ang pagpo-produce ng pelikula.
“Si Paul po ’yan. Lagi siyang nagpu-push sa akin na kaya kong gawin ’to. Kaya ‘Can.’ Kasi, ’di ba, Tin po ang tawag sa akin ng mga ka-close ko dahil Celestine. So, parang, ‘Tin can do it, Tin can also venture into something different,” kuwento ni Toni kaya naging TinCan ang pangalan ng produksyon niya.
At dahil dito ay nakita lahat ni Toni ang hirap ng mga taong nasa likod ng camera kaya sobrang taas ang tingin at respeto niya sa mga ito.
“Maganda po kasing experience na part ka as nag-produce ng pelikula kasi mas tumaas ’yong respeto mo, ’yong paghanga mo as buong production people kasi mari-realize mo na ang kabuuan ng pelikula ay hindi lang sa artista.
“Mula sa utility, hanggang cameraman, hanggang gaffer, hanggang light men, lahat importante ang role nila. So, nagkaroon ng deeper love and appreciation and respect sa film set nu’ng nag-start na po akong mag-produce,” paliwanag ni Toni.
Anyway, sa Dec. 25 na mapapanood ang “The ExorSis” written and directed by Fifth Solomon produced by TinCan Productions and Viva Films.
https://bandera.inquirer.net/286357/melai-umamin-plano-ko-talaga-noon-mag-abroad-at-mag-asawa-ng-amerikanong-matanda
https://bandera.inquirer.net/292265/bakit-sina-maymay-at-melai-ang-paboritong-pbb-housemates-ni-robi