Isko Moreno
TULUYAN nang iiwan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mundo ng politika kapag hindi siya pinalad na manalo sa darating na 2022 elections.
Ito ang naging pahayag ng isa sa mga presidential aspirant nang matanong kung ano ang magiging plano niya after ng isasagawang halalan next year.
“Tapos na ang buhay, move on. Para lang syota yan, nagkahiwalay kayo, move forward. Pahinga na rin. Tapos na ‘ko. I did my share. That’s why I offered myself to the people hangga’t malakas pa ‘ko.
“Kasi nangyayari baka mamaya may pandemya nakapagpahalal tayo ng medyo may edad na naman. Mahihirapan,” ang pahayag ni Yorme sa pagbisita niya sa Meycauayan, Bulacan kamakailan.
“Di natin minamaliit yung edad. Pero sa hirap ng buhay ng mga kababayan sa pandemyang ito and post pandemic, kailangang mabilis kumilos.
“So you know, there are things that needs to be considered,” sabi ni Isko na 47 years old na ngayon.
Samantala, kung papalarin naman siya na mahalal sa pagkapangulo, tatapusin lang niya ang kanyang termino sa Malacañang at magpapahinga na rin sa politika.
“I’ve been working in the government half of my life, I’ve been involved in public service.
“Halimbawa, pinalad ako, at the age of 52 tapos na yung term ng presidente, pahinga na. Magbabayad na ko ng kakulangan sa pamilya ko, sa mga anak ko.
“At least 52 medyo kas-mala (malakas) pa. Pwede pang pasyal-pasyal. Ma-invest ko naman yung remaining days of my life after the presidency if, may awa ang Diyos at sa tulong ng tao, magtagumpay tayo sa laban na ‘to,” pahayag ni Yorme.
Makakalaban ng alkalde sa 2022 sina Vice President Leni Robredo, Sen. Ping Lacson, Sen. Bong Go at dating Sen. Bongbong Marcos.