Gonzales unang sasalang vs NZ sa Davis Cup | Bandera

Gonzales unang sasalang vs NZ sa Davis Cup

Mike Lee - September 13, 2013 - 03:07 AM

ANG Fil-Am tennis player na si Ruben Gonzales ang unang sasalang para sa koponan ng bansa sa pagbubukas ng Davis Cup Asia-Oceania Zone Group II promotion tie kontra New Zealand ngayong hapon sa Plantation Bay Resort and Spa sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Makakalaro ng number one player ng bansa ang number two ranked netter ng New Zealand na si Michael Venus sa unang singles match umpisa alas-4 ng hapon.

Sa ikalawang singles ay sasagupain ni Johnny Arcilla ang number one player ng New Zealand na si Jose Statham.

Si Treat Huey, na sariwa sa paglahok sa doubles tournament ng 2013 US Open, ay makakapareha ni Francis Alcantara sa doubles event bukas. Makakatapat nila sina Venus at Marcus Daniell.

Ang dalawang reversed singles games ay gaganapin naman sa Linggo.

Ang mananalo sa tie na ito ang aabante sa Group I sa 2014 season habang ang matatalo ay mananatili sa Group II.

Nakalaro na ni Gonzales si Venus noong sila ay nasa college pa lamang sa Estados Unidos kaya may alam siya sa istilo ng paglalaro ng kalaban.

Bukod sa talento, aasahan ng Philippine Davis Cup team ang suporta ng mga manonood para manaig sa mga mas llamadong Kiwis.

Gayunman, lamang ang Pilipinas sa head-on matchup nito kontra New Zealand, 3-2.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending