Cherry Pie nakasama ang mga anak ni Edu sa Amerika

Cherry Pie nakasama ang mga anak ni Edu sa Amerika

HINDI matatawaran ang makikitang saya sa mata ng celebrity couple na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.

Magmula nang umamin si Edi sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Cherry Pie ay mas naging bukas na ang beteranang aktres sa pagbabahagi ng kanilang sweet moments together habang nagbabakasyon sa New York, USA.

Sa katunayan ay nag-trending ang kanilang photos na kuha habang ine-enjoy nila ang kanilang moment habang nasa isang cruise.

Kahapon, December 3, ay muling nagbahagi ng mga photos si Cherry Pie sa kanyang Instagram account.

“Last of the leg and definitely not the least. A much awaited breather that definitely reminds the heart to be grateful, hopeful, and continuously pray that this too shall pass.

“For everyone to live again with no fear, share priceless moments in togetherness with the gift of presence, laughter, touch with family and friends, to appreciate and bask in the abundance of God’s blessings on living no matter what part of the world you are in,” saad ni Cherry Pie.

Dito ay makikita ang bonding moments nila sa New York kasama ang mga kaibigan pati na rin ang sweet photos nila ni Edu.

Kapansin-pansin rin ang group photo na in-upload ni Cherry Pie kung saan present sina Enzo at Addie Manzano.

Sina Enzo at Addie ay anak ni Edu Manzano sa dating karelasyong si Rina Samson.

Marahil ay itinaon na rin ni Edu na ipakilala ang kanyang girlfriend sa mga anak lalo na’t sa New York naka-base ang dalawa.

Mukha namang tanggap na tanggap ng mga anak ni Edu ang relasyon niya sa kapwa artistang si Cherry Pie.

Sa katunayan ay pabirong itinapat pa ni Luis Manzano, anak ni Edu kay Vilma Santos, ang relasyon nila sa sikat na real-life couple na KathNiel.

“Kunwari lang next year, we’re hoping and praying na kung maibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN, feeling ko, baka si Daddy at saka si Tita Pie, baka itapat sa KathNiel. Ganu’n!” pabirong saad ni Luis sa interview niya kay G3 San Diego.

Mukhang malapit na ang pagbabalik sa bansa ng dalawa base na rin sa naging caption ni Cherry Pie sa kanyang latest Instagram post.

Related Chika:
Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers
Luis ‘shookt’ sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: Feeling ko baka sila na ang itapat sa KathNiel!

Read more...