AJ ‘sutil’ nga ba kaya laging nasasangkot sa mga isyu?

AJ 'sutil' nga ba kaya laging nasasangkot sa mga isyu?
NASABIHAN ng ‘sutil’ ang nagsisimulang sexy star na si AJ Raval dahil sa mga sagot nito sa mga isyung sangkot siya.

Isa lang si ‘Nay Cristy Fermin sa nakapansin sa dalaga at sinabi niya ito sa kanyang online show na “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika sa Thursday episode nila.

Lagi kasing nasasangkot si AJ bilang other woman na nagsimula sa relasyon Aljur Abrenica at Kylie Padilla na hindi naman talaga dahil hiwalay na ang mag-asawa ng pumasok sa eksena ang isa sa sexy star ng Viva Films.

Sinundan naman sa relasyong Diego Loyzaga at Barbie Imperial na sobrang in love ang dalawa pero nabanggit na tila dumadalaw ang aktor kina AJ sa bahay nito sa Pampanga.

Lumala ang isyu dahil walang statement mula kay AJ kaya nanggigil si Barbie na magsalita siya at magpaliwanag sa isyu.

Pero iba ang naging sagot ni AJ dahil nag-post siya ng larawan ni Unding na ibig sabihin ay kamukha ni Diego ang pinost ng sexy star bagay na ikinairita lalo ni Barbie.

Kung tutuusin ay tama lang na hindi sumagot si AJ, pero ang pinost niya ay talagang nakakainis at kasutilan nga.

Ito rin ang obserbasyon ng ibang katoto, “luka talaga ‘yan si AJ, kung ano na lang pinost, tama rin naman siya na ‘wag sumagot.”

Ang tanong din ng lahat, “bakit nasasangkot si AJ? Baka naman kasi may something talaga?”

Pakiwari namin baka misinterpreted si AJ kasi nga malapit siya sa boys na tulad nga ng sabi niya ‘one of the boys siya’ kaya walang malisya kung malapit siya sa lahat.

Baka naman iba ang dating nito sa boys lalo na kay Diego na kahit may girlfriend ay dumadalaw daw siya umano sa bahay ng aktres.

Anyway, SUTIL ka nga ba AJ?

Related Chika:
Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging ‘mistress’ ang sinuman

Read more...