Angel rumesbak sa nagsabing ninakaw ni Kris ang alahas ni Imelda: She can afford to buy her own

Angel rumesbak sa nagsabing ninakaw ni Kris ang alahas ni Imelda: She can afford to buy her own

NAGSALITA ang Kapamilya actress na si Angel Locsin ukol sa isyu na diumano’y pagnanakaw ni Kris Aquino sa alahas ni Imelda Marcos.

Muli na naman kasing nabiktima ang bunsong kapatid ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ng mga nagpapakalat ng fake news.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ng actres ang artcard mula sa Inquirer.net ukol sa paglalabas ng babala ni dating Chief Justice Lourdes Sereno sa mga netizens na patuloy na nagpapakalat ng maling impormasyon na ninakaw raw ng Queen of All Media ang necklace na pagmamay-ari ni Imelda.

“She can afford to buy her own jewelry with her hard earned money. Thank you very much,” saad ni Angel.

Matatandaang noong Nobyembre 28 ay naglabas ng babala sa kanyang Facebook account ang dating Chief Justice sa mga netizens na ayaw tumigil sa pagbabahagi ng fake news.

“Criminal case na po ang maaaring harapin niyo sa pagbibintang na ginamiy ni Kris Aquino ang alahas ni Imelda na ayon sa Supreme Court ay galing sa nakaw na yaman. Bangko Sentral ng Pilipinas at PCGG na po ang nagsabing imposible it,” saad ni Sereno.

Nakiusap rin ito sa mga netizens na kung may mga makikita silang shared posts o mga comments ukol kay Kris ay agad na i-forward ang screenshot sa kanilang tanggapan upang mai-record ito.

“‘Yung mga may resibo ng ganitong comments, paki-forward po by pm sa akin, and I will forward. Gawin po natin itong activity laban sa iresponsableng paggamit ng salita. Salamat po.”

Ilang taon na ring kumakalat ang balitang ito bagay na itinanggi na ni Kris Aquino noon pang 2016.

“The necklace I wore was made from cubic zirconia and silver – hindi po DIAMONDS (not diamonds). In other words, fake sila although Bottega Veneta naman,” paglilinaw ni Kris.

“Enough! And the TRUTH is on my side – including credit card receipts,” dagdag pa nito.

Related Chika:
Sereno binantaan ang mga nagsabing ninakaw ni Kris ang mga alahas ni Imelda
True ba, Kris isinuot sa nakaraang APEC ang nakumpiskang kuwintas ni Imelda?

Read more...