NAGKASAGUTAN ang “Pinoy Big Brother” (PBB) housemates na sina Karen Bordador at TJ Valderrama matapos maglaro ng “tic-tac-toe” para sa kanilang weekly task.
Napuno na kasi si Karen sa negative energy na dala ni TJ lalo na sa paraan ng pagsasalita nito sa kanya na tila minamaliit ang kanyang kakayahan kaya tuluyan na niya itong kinausap.
“I am letting you know na maybe ‘pag time na maglalaro ulit tayo, you chillax and stop pinpointing. Gets mo ba?
“Parang laging iniisip mo na ‘naku, waley talaga ‘tong si Karen.’ I know you are trying to be the team leader but that’s not how you do it, dude,” saad ni Karen.
Depensa naman ni TJ, hindi naman siya perpekto at may mga pagkakataon rin na nagkakaroon siya ng pagkakamali.
Dito nga ay in-open na ni Karen na hindi na niya nagugustuhan ang ginagawang pagbibiro sa kanya ni TJ bagay na nagpahina ng loob niya habang naglalaro sila.
“What I’m saying is I thought we were comfortable already. Same food group, same era. We always joke about that so I felt comfortable with you,” saad ni TJ.
“Nagpu-push ka too hard to the point na nao-offend na ‘ko. Baka gusto niya hindi tayo magka-groupmate ever,” sagot naman ni Karen.
Dagdag pa ng dalaga, pessimist daw si TJ at nakadaragdag pa sa negative energy na nararamdaman ng grupo at hindi nakakatulong lalo na’t immunity mula sa susunod na nominasyon ang nakataya sa kanilang weekly task.
Nilinaw rin ni Karen na hindi siya galit kay TJ at nais lamang nitong iparating sa kaibigan ang disappointment na kanyang nadarama lalo na’t tila hindi nare-reciprocate ang effort ni Karen sa pagsuporta kay TJ.
Sobrang pessimist mo talaga! -Karen #PBBKumuTicTacToe pic.twitter.com/E5qL0hslSi
— Pinoy Big Brother (@PBBabscbn) December 1, 2021
“I’m your freaking number 1 supporter, ‘di mo ba alam ‘yun? ‘Di mo ba nano-notice ‘yun? Nakaka-bad trip talaga,” umiiyak na saad ni Karen.
Sa huli ay humingi ng tawad si TJ sa kaibigan na tinanggap naman ni Karen. Nagyakap na rin ang dalawa tanda ng pagkakaayos.
Marami naman sa mga netizens ang humanga sa naging kumprontasyon ng dalawa dahil mature na na-handle nina TJ at Karen ang sitwasyon, hindi tulad ng mga kontrobersyal na confrontation sa mga naunang season ng “PBB”.
“The confrontation between Karen and TJ is for me one of PBB’s Best of All Time. I salute Karen for letting TJ know right away what she really felt after the game instead of gossiping/backstabbing and I love how TJ just apologized for the matter.
“We’re talking about two mature individuals arguing, how they handle their dispute and met halfway to settle it. Kudos to you both. This is a good example for all the viewers on how to handle misunderstanding.”
“They’re both awesome. They never pin point or count each other’s mistakes instead they settle the problem right away by listening and understanding the main issue and they chose words carefully to express their angers. The ending is very satisfying.”
“Karen is too good in expressing herself and addressing the issue.”
Yan ang ilan lamang sa mga comments ng netizens.
Related Chika:
‘PBB’ housemate TJ Valderrama nanganganib matsugi; netizens nagpiyesta