Jill, Julian at Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez
KUNG nasa dugo mo na talaga ang pagiging artista, singer at performer hinding-hindi mo talaga kayang tanggihan o iwasan ang kaway ng showbiz.
Maraming anak ng mga kilalang celebrities ang tumatanggi noon sa mga offer na pasukin na rin ang entertainment industry ngunit ang ending, showbiz pa rin ang pipiliin nila kesa sa pribadong buhay.
Tulad na nga lang ni Jill Estrada, ang bunsong anak ng actor-politician na si Jinggoy Estrada na mukhang mapapasabak na rin sa showbiz very soon.
Maraming hindi pa nakakaalam na bukod sa pagsasayaw ay mahilig ding kumanta ang 15-year-old daughter ng dating Sen. Jinggoy at ng misis niyang si Precy.
“I want to achieve my singing career and make music because that is my passion,” ayon sa Grade 10 Junior High School student.
Six years old pa lamang siya nang unang mahilig sa music. Kaya naman game na game siyang pumayag na kantahin ang “May Bukas Pa.”
Ito nga ang campaign song ng kanyang ama sa TV commercial nito sa muling pagtakbo sa senado sa 2022 elections.
Ayon kay Jill, hindi pa siya sigurado kung tulad ng kanyang ama at lolong si former President Joseph Estrada ay papasukin din niya ang showbiz sa ngayon.
Pero binanggit naman ni Jill na bet niyang maka-collab sa isang proyekto ang mga paborito niyang singer na sina Moira dela Torre at Zack Tabudlo.
Sa mga artista naman, idol niya ang Kapamilyang si Jodi Sta. Maria at bagong Kapuso na si Bea Alonzo.
Samantala, “makulit” pero “mapagmahal” naman niya inilarawan si Jinggoy bilang daddy kaya nang sabihin sa kanya na ang mala-anghel niyang boses ang napipisil na kumanta ng campaign song nito, sobra siyang natuwa at na-excite.
Pahayag pa ni Jill, “Of course, I felt happy and got so excited when my mom told me that I was going to sing my dad’s campaign song. I asked help from my brother, Kuya Julian, to assist me in my recording since he does recording as well.”
Si Julian ang DJ-actor na anak nina Jinggoy at Precy na talent ng ABS-CBN at Star Magic.
Nakasama na siya ng aktor-politiko sa 2020 Metro Manila Film Festival entry nito na “Coming Home” kung saan nakatambal ng dating senador ang award winning actress na si Sylvia Sanchez.