Albie todo pasalamat sa mga supporters: I have the best fans in the world!

Albie todo pasalamat sa mga supporters: I have the best fans in the world!

LABIS ang tuwa ng Kapamilya actor na si Albie Casino sa pagmamahal na natatanggap niya mula sa kanyang mga fans.

Sa Instagram account ay ibinahagi ni Albie ang regalong natanggap niya sa ilang supporters niya.

“This is crazy, I keep saying this but I actually have the best fans in the world! They wanted to send over food but I told them I was dieting so they just got me my diet food,” saad ni Albie.

Aminado naman ang aktor na hanggang ngayon ay tila nao-overwhelm pa rin siya sa mga suportang natatanggap niya magmula nang lumabas siya sa “Pinoy Big Brother” house.

Ayon rin sa kanyang naging interview kay Toni Gonzaga, sa tagal na niya sa industriya ay ngayon lang niya naranasan ang umaapaw na pagmamahal ng fans.

“Sa 12 years career ko sa showbiz, I never felt that love as an artist, as a person. Of course, the love from my family, my friends are always there. But when you’re a public figure, ‘yung paano ka tanggapin ng public. It really plays with your head.”

Labis talaga ang naging epekto ng kinasangkutang kontrobersya ni Albie noon sa dating dyowa na si Andi sa kanyang career.

Nang dahil kasi sa kontrobersiya ay marami sa madlang pipol ang kinainisan siya bagay na hindi nakatulong sa kanyang karera.

At ito ang naging pangunahing dahilan ni Albie kung balit siya sumali ng “Pinoy Big Brother”.

“I wanted to change the public perception of me at first. And I want to show people na I’m more than the issues, diba? I like to think that I’m a funny guy, easy to get along with. And what I got from it was that I get to know myself so much more. And that’s priceless.”

Hindi naman nagkamali ng desisyon si Albie dahil ngayon ay labis labis ang kanyang nararamdamang pagmamahal mula sa madlang pipol na labis na na-appreciate ang kanyang pagpapakatotoo.

Baka ito talaga ang perfect time para mag-blossom pa lalo ang kanyang karera at ang mga nangyari noon ay preparasyon lamang sa mas malaking blessing na matatanggap niya sa kanyang showbiz career.

Related Chika:
Albie nawalan ng milyones dahil kay Andi: So, how can I be okay with them?

Read more...