Brenda Mage, Alexa Ilacad at Madam Inutz
PASABOG na naman ang mga bagong eksena sa loob ng Bahay ni Kuya nang dahil sa mga patutsada nina Brenda Mage at Madam Inutz laban sa kapwa celebrity housemate nilang si Alexa Ilacad.
Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang tila mga paratang ng komedyanteng si Brenda Mage habang nag-uusap sila ni Madam Inutz na nakunan sa 24/7 stream ng “Pinoy Big Brother” season 10 sa Kumu.
Sa kumalat na video sa social media, sinabi ni Madam Inutz na parang wala pa raw siyang alam na nagawa ni Alexa sa loob ng Bahay ni Kuya na sinang-ayunan naman ni Brenda.
Mas madalas daw na walang naitutulong ang dalaga sa mga gawain sa “PBB” house pati na sa mga nakaraang task nila bilang housemates.
“Puro lang siya music, wala nga siyang ambag dito. Tingnan mo sa grupo nila, siya ‘yung iyakin kasi wala siyang nagagawa.
“Zero lagi ambag. Kanina sa tingin mo, may ambag ‘yung lakas niya. Wala siya ambag,” ayon pa sa komedyante.
“Tsaka sa lahat ng task wala naman siyang ambag. ‘Yun lang sa play, kanta lang, sirena siya,” aniya pa.
Kasunod nito, sinabihan din ni Brenda si Alexa na puro ganda lang, “Wala siyang silbi, ganda lang talaga. Sa HOH laging lampa. Sa lutuan naman walang kwenta. Panay tago pa ng tinapay. Panay lamon pa.
“Kapag kumakain tayo, hindi nagpapaalam kain na agad wala pang prayer. ‘Yun lang ambag niya, loveteam-loveteam. Pero siya lagi nase-save,” katwiran ni Brenda Mage.
Samantala, napag-usapan din nina Madam Inutz at Brenda ang magaganap na eviction night sa darating na weekend kung saan dalawa kina Alexa, TJ Valderrama, Samantha Bernardo, Karen Bordador ang tuluyan nang mapapalayas sa Bahay ni Kuya.
Feeling ni Madam Inutz baka raw sina Karen at TJ ang susunod na matatanggal sa eviction night habang ang inaalala naman ni Brenda ay baka isa siya sa magiging nominado next week.
https://bandera.inquirer.net/296266/netizens-nabastusan-nandiri-sa-ginawa-ni-brenda-mage-kay-eian-rances-sa-loob-ng-pbb-house
https://bandera.inquirer.net/298275/alexa-may-body-dysmorphia-lagi-kong-naririnig-ang-taba-mo-magpapayat-ka-wala-kang-project-kasi-mataba-ka