Kylie feeling ‘chaka’ noon kaya nagkaroon ng eating disorder: Being me is not beautiful…

Kylie Padilla

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na hindi madali ang naging pakikipaglaban niya sa isang uri ng eating disorder — ang  pagiging “bulimic.” 

Ibinahagi ng aktres sa publiko ang naging struggle niya noong kanyang kabataan kung saan matindi ang naramdaman niyang insecurity sa itsura niya at katawan.

Sa bago niyang video sa YouTube, sinabi ni Kylie na dumating siya sa puntong ang feeling daw niya ay hindi sapat o kulang ang taglay niyang itsura at personalidad sa  “beauty standards” ng lipunan.

Noong naninirahan pa sila sa Australia, ang “chaka” raw ng tingin niya sa kanyang sarili. At dahil dito, nagkaroon nga siya ng bulimia na ayon sa isang health website ay isang “psychological eating disorder where a person often engages in uncontrolled episodes of overeating. 

“Following this, they would purge the food from their system through inappropriate methods like vomiting or the use of laxatives.”

Pahayag ni Kylie, “Even though I am a recovered bulimic, every day is a challenge for me kasi the habits that were formed and the things that were exposed to me when I was a kid turned into a thinking pattern and a belief system that I have.”

Pag-amin ng celebrity mom, “When I was a little girl, my idea of beauty was blonde, blue eyes, tall and skinny. That was not me.

“Ngayon ko lang nakikita na napaka-unhealthy for a young developing mind, for a young developing girl, to see that,” sabi pa ng estranged wife ni Aljur Abrenica.

“I just felt like I can’t be me. Being me is not beautiful. Naging eating disorder siya for a long time. But I’m recovered now. For 10 years, I was hungry,” diin pa niya.

Na-realize ni Kylie na isang uri ng “pang-aabuso” sa sarili ang pagkakaroon ng eating disorder na  na nagresulta rin sa pagkakaroon niya ng anxiety. 


Samantala, nagsimula naman ang kanyang “healing process” noong 2017 nang ipagbuntis niya ang panganay na anak nila ni Aljur na si Alas.

“When I got pregnant, I had a reason to eat. I grew so much respect for my body. Naniniwala na rin ako na my worth is more than what I look like and how thin I am.

“Even though I’m a recovered bulimic, every day is a challenge for me kasi the habits that were formed when I was a kid turned into a thinking pattern and a belief system that I have,” pahayag pa ni Kylie.

Pinaalalahan din niya ang kanyang mga fans at social media followers na mas maging maalaga at huwag na huwag abusihin ang katawan. 

“Be kinder to yourself and you have to know that your worth is more than your body.

“There’s nothing wrong with wanting to look beautiful. It’s just that, sana you do it in a way that makes you healthier and makes you feel more confident as a person,” sabi pa ng anak ni Robin Padilla.

Read more...