Marian Rivera napili nga bang judge sa Miss Universe 2021?

Marian Rivera napili nga bang judge sa Miss Universe 2021?

TRENDING ngayon ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa chikang isa siya sa mga magiging judge ng Miss Universe 2021 pageant na gaganapin sa Israel sa Disyembre 12 (Dec. 13 Manila time).

Sa kanyang Instagram ay nagbahagi siya ng kanyang larawan at ang kanyang caption ay talaga namang naging sanhi para mas lalong ma-curious ang tao kung totoo nga ba ang kumakalat na balita.

“Honored. (crown and universe emoji) #Grateful” saad ni Marian.

Nagreply naman ang kanyang asawang si Dingdong Dantes sa kanyang post ng “Miss U”, bagay na mas nagpaigting ng curiousity ng netizens.

Unang kumalat ang chika na ito noong November 28 matapos may isang entertainment site na naglabas ng blind item patungkol sa isang aktres na napili ng Miss Universe Organization bilang hurado.

Ang Kapuso actress daw ay napili dahil sa mga achievements nito bilang aktres, ina, at ambassador ng isang organisasyon.

Matatandaang si Marian ay ang ambassador ng Smile Train, isang international children’s charity na sumusuporta sa mga batang nangangailangan ng cleft repair surgery at comprehensive cleft care para sa mga bata.

Hindi naman in-elaborate ni Marian ang iba pang detalye o direktang kinumpirma ng aktres ang balita ay marami na sa mga netizens ang tila kumbinsodo na isa siya sa mga huradong sa Miss Universe 2021.

“Ito naaaa! This is sign na magjujudge siya sa miss universe!!!”

“Deserving maging judge! From her real beauty and ofcourse her passion for charity and accomplishments in showbiz industry no doubt!”

“So beautiful Yan! Congratulations!”

“Omg queeeen!  nakakaproud ka sobra! We love you!!”

“Yeheeyyyyy!! Congratulations Kapuso Primetime Queen! We are so proud of you! Pride of the Philippines!”

Related Chika:
Bagahe ni Bea Gomez nawala sa Israel; bakit inokray sa litrato nila ni Miss Thailand?

Read more...