Contractual o permanent?

Dear Aksyon Line,

Magandang hapon po sa inyo, Ms. Liza Soriano, at sa mga taga-Inquirer Bandera

Ako po si Ms Daisy Jean Ferrer Dural. Ako po ay isang masugid na mambababasa at tagasubaybay ng inyong pahayagan .

Ako po ay isang empleyado ng Imotor Philippines Incorporated. Ako po ay nagtrabaho bilang isang production operator.

Nagsimula po ako noong June 6, 2012 bilang contractual at nang matapos ko po ang aking limang buwan na kontrata ay nagandahan po sila sa aking pagseserbisyo kaya po binigyan nila ako ng probationary status. Matapos ko po ang anim na buwan kung probationary ay na-extend pa po ako ng tatlong buwan at sa tatlong buwan kung extension ako po ay pinatawag upang pumirma ng end of contract.

Hindi ko po akalain na sa aking pagseserbisyo ay matatanggal pa po ako.

Tanong ko lang po, may posibilidad po ba na pagbigyan ako kung maghahabol ako para maregular sa kumpanya? Ako po ba ay matatawag na isang permanenteng empleyado? Saan po ako maaring mag reklamo upang mabigyang solusyon ang aking problema?

Maraming salamat po at mabuhay kayo at pagpalain ng Poong Maykapal. Sana po ay matulungan ninyo ako Maraming Salamat po

Gumagalang
Daisy Jean Ferrer Dural
Buendia st., Tunasan, Muntinlupa City
REPLY: Sa iyo, Daisy Jean, mas mabuting magpunta ka sa Regional Office Number 4-A ng DOLE sa Halang, Calamba, Laguna dahil ang Muntinlupa ay sakop ng naturang regional office.

Doon ay maaari mong idulog ang inyong hinaing o complaint sa Single Entry Desk Approach Officer. Sila po ang magpapaliwanag sa iyo kung ano ang maaari mong gawing hakbang.

Pero malinaw sa batas na kapag lumampas ng anim (6) na buwan at ikaw ay hindi umalis sa iyong pinapasukan, ang treatment doon o ikaw ay permanent employee na.

Bukod dito, kinakailangan din na tingnan ang iyong sahod kung tumatalima sa tamang pasahod o sweldo ang employer mo alinsunod pa rin sa batas.

Sa pamamagitan nito, bibilangin ang araw ng pangangamuhan mo. Kung ikaw ay may kontrata ay ipakita ito subalit kung wala ay maaaring humingi sa company ang DOLE ng 201 files sa pamamagitan nang oopisyal na patawag. Sana ay nabigyan ko ng linaw ang dapat mong gawin.

Maraming salamat sa iyo. Dir Nicon
Fameronag Dir for communications, DOLE

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...