Bakit tinawagan ni Joross si Arjo habang nasa kalagitnaan ng operasyon?

Bakit tinawagan ni Joross si Arjo habang nasa kalagitnaan ng operasyon?

HINDI inaasahan ng aktor na si Arjo Atayde ang naging pagtawag sa kanya ng kaibigan at kapwa artista na si Joross Gamboa.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ni Arjo ang screenshot kung saan kausap niya si Joross habang nasa kalagitnaan ito ng kanyang operasyon.

“I never thought someone would call me in the middle of an operation. One and only @joross_gamboa. Love you brother sobra!” saad ni Arjo.

Sa huli ay binati niya rin ang kaibigan ng maligayang kaarawan.

“Happy happy birthday Tol! Brothers for life,” dagdag pa ni Arjo.

Matatandaan na kamakailan ay nagkaroon ng Achilles injury si Joross habang naglalaro ito ng basketball sa gym na pagmamay-ari ni Gerald Anderson.

Kuwento ni Joross, pakiramdam raw niya ay may humampas ng dos por dos sa kanyang binti na sa una ay hindi pa niya masyadong naramdaman na masakit hanggang sa bigla na lang dahang-dahang sumakit ang sakong niya.

Sa ngayon ay successful naman ang kanyang naging Achilles operation at kasalukuyan na itong nagpapagaling.

Labis naman ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nag-alaga sa kanya sa ospital pati na rin sa doktor niya na talagang tinutukan siya magmula nang ma-confine siya.

Nagpasalamat rin ito sa kanyang asawa na si Kathy Kimberly Saga-Gamboa na walang sawang nag-alaga at umunawa sa kanya.

“Thank you @katz_gamboa my wife. Mahal na mahal kita at naa-appreciate ko lahat ng ginawa mo st patuloy mong ginagawa sa ‘kin at sa family natin!”

Aniya wala na raw siyang mahihiling pa para sa kanyang 37th birthday na nangyari noong Nov. 28.

Samantala, kabilang naman si Joross sa supporting cast ng upcoming Kapamilya serye na “Flower of Evil” na pagbibidahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe.

Related Chika:
Joross sumailalim sa ‘Achilles operation’ matapos magka-injury sa pagba-basketball
Joross Gamboa: Thank You Lord for a successful operation!

Read more...