Dingdong malungkot sa 6th b-day ni Zia, pero nag-promise sa anak: Sana maintindihan mo si Dada…

Dan Villegas, Cathy Molina, Zia Dantes, Marian Rivera at Dingdong Dantes

RAMDAM na ramdam ang kalungkutan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes nang batiin niya ang panganay na si Zia sa mismong kaarawan nito.

Ito kasi ang unang pagkakataon na hindi niya nakasama ang anak sa birthday celebration nito at ito rin ang pinakamatagal na panahon na nalayo siya sa kanyang pamilya.

Nasa lock-in taping pa rin kasi ngayon si Dingdong para sa bago niyang teleserye sa GMA 7, ang “AlterNate” na posibleng tumagal nang isang buwan. Idagdag pa rito ang ilang araw na inilagi niya sa mandatory quarantine bago sumabak sa trabaho.

Nitong nakaraang Nov. 23 nagdiwang ng kanyang 6th birthday si Zia at sa pamamagitan nga ng K
Instagram ay binati ni Dingdong ang anak, kalakip ang isang video nilang mag-ama.

Aniya sa caption, “Dear Z, For the last six years, this is the first time that I haven’t had you under my armpits for this long.

“I can just imagine how your Lolo Jigg felt, when he worked in a cruise ship for one year in HKG when I was around 8 years old.

“It’s kinda hard for me, but the thought of you being safe and happy there at home with your mom and brother makes me at peace.

“This last video that we did together definitely makes me miss you more– you were amazing!”

Nagbitiw naman ng pangako ang Kapuso host-actor kay Zia, “Don’t worry, when I get back home, we’ll definitely make more memories with these after-dinner songs, which will come after your regular animated storytelling of how your day had transpired.

“It has been 20 days since i left and despite the gloominess of this rest day, there is this indescribable feeling of joy knowing that on this day, God has gifted the world with someone like you.

“Happy 6th, Ate Z. When you’re a bit older, i hope you’ll understand why Dada isn’t with you on this special day.

“For now, i’ll just have to play this over and over till I have you back under my armpits again. Forgive me for posting this, for i can’t help falling in love with you,” mensahe pa ni Ding sa panganay nila ni Marian Rivera.


Nito namang nagdaang weekend, ipinost ni Marian sa IG ang ilang litrato na kuha sa teddy-bear themed pink birthday party ng anak na may caption na, “For Zia’s sixth birthday, her wish is for everyone to be happy and safe…#LoveYouAteZ.”

Ito naman ang birthday message niya sa anak, “Ate Z turns 6! My precious daughter, may you continue to be a loving, sweet and kind girl.

“You’re such a blessing to everyone around you. We miss you dada wish you were here to celebrate with us but thank you for working hard for us. We love you anak!”

Samantala, nag-post muli si Dingdong sa Instagram ng litrato ni Zia kasama ang mga box-office director na sina Cathy Molina at Dan Villegas na siyang nagdirek ng Christmas Shopee commercial nilang mag-ama.

Aniya sa caption, “Sharing one ‘proud dad moment’ today.

“Nakasama ko si Direk Cathy sa napakagandang pelikula na Seven Sundays, at si Direk Dan naman ay kaklase ko sa isang film course noon at isa na rin sa mga malulupet na direktor at producer ngayon. 

“Ngayon, watching Zia do this Shopee commercial with these two directors that I respect and admire, wala akong ibang naramdaman at nasabi kundi, ‘sobrang nakaka-proud.’ What a rare privilege and opportunity to witness this.

“Ganito pala yung feeling na sinasabi nila kapag nakikita mong nagku-krus ang landas ng mga bagay at tao na mahalaga sa buhay mo. I will remain forever grateful for moments like this,” sabi pa ni Dong.

At dahil nga malapit na ang Pasko, tulad ng ibang Pinoy na super busy sa kanilang life, bet na bet ni Dong ang online shopping para sa mga bibilhin niyang Christmas gifts.

“I’m currently in a lock-in shooting and siguro I will be home by mid December pa, so talagang lahat ng shopping kailangan online na. It really is convenient especially for working parents like me,” aniya sa media launch ng latest commercial nila ni Zia para sa nasabing online shopping app.

Aniya pa, “It’s really the convenience, especially for working parents like me. We want everything convenient, we want everything fast and, of course, gusto natin marami talagang options.”

https://bandera.inquirer.net/286244/bakit-isinasama-ni-dingdong-si-zia-kapag-nagbo-voice-over-siya-sa-amazing-earth
https://bandera.inquirer.net/284439/paano-sinagot-ni-dingdong-ang-tanong-ni-zia-kung-bakit-nagwo-workout-siya-araw-araw

Read more...