Michael V
HALOS magtatatlong dekada na si Michael V sa GMA 7 at hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang tiwala at loyalty niya sa kanyang mother network.
Ngayong November, 2021 nagdiriwang na ng ika-25 anibersaryo ang longest-running gag show sa bansa — ang “Bubble Gang” na pinagbibidahan ni Bitoy at ng iba pang pambatong comedian ng Kapuso network.
Marami nang umalis sa programa at marami na ring ang nabago sa mga segment nito pero until now ay nananatili pa ring solid ang buong tropa sa paghahatid ng saya tuwing Biyernes ng gabi.
Ayon kay Bitoy, mahal na mahal niya ang “Bubble Gang” at talagang naging bahagi na ng sistema at buhay niya ang show kaya sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan ng buong produksyon ay “laban kung laban” pa rin ang kanilang pinaiiral.
“Loyalty is a two-way street. Basta mahal n’yo yung ginagawa ninyo at basta you care about each other, like ako with the network and ‘yung audience namin, hindi mo pipiliin na umalis pa, eh,” pahayag ng Kapuso comedy genius sa nakaraang episode ng “The Howie Severino Podcast.”
“Dito ka na lang kasi kumbaga sa mga tao, you found your home. And I think that’s the biggest factor kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin kami,” aniya pa.
Sa nasabi ring panayam, pinuri ng “Bubble Gang” writer-director na si Caesar Cosme ang komedyante, “Fan ako ni Bitoy. Sobrang bilib ako sa kanya as a comedy actor. ‘Yun naman ‘yung dream ng mga nagsusulat, ‘di ba? Kapag nagbigay ka ng materyal kay Bitoy, i-improve niya ‘yon.”
“Naamoy ko kaagad na baliw din ‘to eh. Siyempre malaki ang (agwat ng) edad ko sa kanya pero alam mo ‘yon, iba. Nirespeto ko siya from the start. Iba si Bitoy. Iba si Bitoy,” dagdag pang pahayag ng veteran TV and movie director.
Nangako naman si Michael V na hindi sila titigil nang kakahanap ng mga bago at bonggang content para sa viewers kasabay nga ng pagdiriwang ng kanilang 25th anniversary.
“Ang driving force ko ngayon is to make people happy. Yung secret formula ng ‘Bubble Gang’ staying power is its relevance and ‘yung humor.
“Basta maging relevant ka roon sa mga pagpapatawa mo, I’m pretty sure maa-appreciate ng mga taong nanonood sa ‘yo,” mensahe pa ni Bitoy.
https://bandera.inquirer.net/295802/bitoy-kasambahay-nabiktima-ng-online-scammer-kapag-hindi-nyo-in-order-just-say-no
https://bandera.inquirer.net/290838/bitoy-sa-mga-ayaw-magpabakuna-ang-covid-vaccine-ay-hindi-perpekto-pero-epektibo