P162M jackpot ng Grand Lotto 6/55, nasungkit na

FILE PHOTO

ISANG maswerteng mananaya ang nakasungkit ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 sa bola nitong Lunes ng gabi.
Tumataginting na P162,347,069 ang premyong kanyang napanalunan matapos na eksaktong makuha ang winning combination na 29-42-12-41-01-35.
Hindi binanggit ng Philippine Charity Sweepstakes Office kung saan nabili ang ticket.
Sa bola noong Biyernes, isang taga-Oriental Mindoro ang nanalo ng  P378.75. milyon sa UltraLotto 6/58. Habang noong Huwebes ay tinamaan naman ng isang taga-Maynila  ang P16.04 milyong jackpot ng 6/42 Lotto.

Para sa mga nanalo, maaring kubrahin ang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City. Dalhin ang nagwaging ticket at dalawang valid ID.

Para sa premyong higit sa P10,000, papatawan ito ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa TRAIN law.

Ang premyo naman na hindi nakuha sa loob ng isang taon ay itinuturing na forfeited, ayon sa PCSO.

Para sa iba pang resulta, bisitahin ang Lotto section ng Bandera.

Read more...