Ellen pinagtripan ang ‘pores’ ni Derek: OMG! Ewww! I want an annulment right now!

Ellen Adarna at Derek Ramsay

PATULOY na gumagawa ng ingay ang bagong kasal na celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa social media dahil sa kanilang “prank war.”

Sa kabila ng pangnenega at pamba-bash sa kanila ng mga netizens ay wala pa ring tigil sa pagpo-post ng kanilang sweet at bonding moments bilang mag-asawa sa kanilang love nest.

Nito lamang nakaraang araw, ay pinusuan at ni-like ng mga Instagram users ang mga bagong litrato ni Ellen na ipinost ni Derek.

Dito, may ibinahagi ring advice ang hunk actor para sa mga tulad niyang married men lalo na ang mga bagong kasal.

Makikita sa video post ng aktor ang Instagram reel kung saan nag-pose si Ellen na parang isang model sa pictorial. Aniya sa caption, “Here is some great advice for all you married men out there.”

Maririnig ang voice over sa video na nagsasabing, “Pro marriage tip: always have your wife as the background of your phone. 

“This way, if you’re having a hard day, you can just look at the picture and tell yourself, ‘If I can handle her, then I can handle anything,’” ani Derek na sinagot naman ng kanyang misis sa comment section ng, “Vice versa.”

Nauna rito, kinaaliwan din ng mga netizens ang nakatutuwang video clip na ipinost ni Derek kung saan makikita si Ellen na tulog na tulog. May caption itong, “Don’t kill me!!”

Reply naman ng dating sexy star sa pang-aasar ng asawa, “You know I will dumb sh*t.”

At dahil nga rito, ginantihan ng celebrity mom ang kanyang husband sa pamamagitan ng panggugulat nito sa aktor habang nagsa-shower. 

Makikita sa video na ipinost ni Ellen sa Instagram stories ang grabeng pagkagulat ni Derek nang makita si Ellen sa kanyang likuran. Sabi ni Ellen habang tawa nang tawa, “I told you… I warned you!”

Kasunod nito, nag-post muli ng video ang hunk actor sa IG at nag-dialogue ng, “I don’t deserve this.” Sagot naman ni Ellen na nakaposisyon sa likod niya, “Yes you do, you deserve everything.” 

Depensa ni Derek, gandang-ganda lang daw siya sa kanyang misis habang natutulog pero hindi pa rin kumalma si Ellen at sinabihang maging “mindful” naman daw ang asawa.

Hirit ni Derek, “What do I have to be mindful about?” Na sinagot naman ni Ellen ng, “My pores!”

“I found you beautiful sleeping. And now I’m feeling your wrath!?” ang hugot pa ng aktor.


Sa isa pang video, muling pinagtripan ni Ellen si Derek habang ito’y natutulog. Itinutok niya ang camera sa mukha ng aktor sabay sabing, “My God your pores! Oh my God your pores, they’re hideous! Oh my God! Eww! Eww! Eww! 

“I’m so turned off! Eww! They’re hideous! Oh my God I want an annulment right now!” ang biro pang chika ni Ellen.

Halatang naalimpungatan si Derek sa pang-aasar ni Ellen at sinagot ang paghahamon nito ng annulment, “Okay. I want a Happy ending!” sabay balik sa kanyang pagtulog.

Pero hindi pa rin siya tinantanan ni misis, “I’m not done with you yet.” Na sinagot ni Derek ng, “I hate you!” 

“This is just the beginning. This is just an intro of what’s going to come you d*mb sh*t!” ang pabirong pagbabanta pa ni Ellen sa asawa. 

Muli nitong itinutok ang camera sa bandang tenga ni Derek, “Oh my God you have ear locks, oh my goodness!” 

Ikinasal ang showbiz couple noong Nov. 11, sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort sa Bagac, Bataan.

Read more...