Janine Gutierrez and family
SA wakas, natupad din ang matagal nang wish ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez na mabuo muli ang kanyang pamilya kasama ang mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.
Abot-langit ang kaligayahan ngayon ni Janine matapos makasama ang kanyang mga kapatid and of course, their parents, sa isang bonggang family getaway.
Ayon sa dalaga, tinutupad naman daw nina Lotlot at Monching ang promise nila 13 years ago na mananatiling magkaibigan kahit na hiwalay na sila.
Ito ang unang pagkakataon na nakumpleto silang pamilya mula noong maghiwalay ang kanikang parents taong 2008.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Janine ng ilang litrato na kuha sa kanilang pagbabakasyon. Aniya sa caption, “First time to be on vacation with both my parents! Swipe to see my happy video of them in the same place haha.”
Aniya pa, “Mama and papa I love you, thank you! Thank you also Mr. Fady.” Ang tinutukoy ni Janine ay ang bagong asawa ni Lotlot na si Fadi El Soury.
Nagbahagi rin ang leading lady ni Paulo Avelino sa seryeng “Marry Me Marry You” ng mensahe para sa lahat ng tulad niyang produkto ng broken family.
“Appreciation post/senti moment for one minute pagbigyan but when my parents separated they said we would still be a family and they really lived up to their promise.
“And if anyone is going through something like that right now, I know it’s different for everyone but I hope you know it’s not going to be bad forever.
“It’ll take a while but it gets better and if you’re the parents and you’re worried about your kids, they’ll understand one day. and they only want you to be happy,” sabi pa ni Janine.
Ikinasal sina Lotlot at Monching noong 1989 at biniyayaan ng apat na anak. Napawalang-bisa ang marriage nila taong 2008 hanggang sa magpakasal na nga si Lotlot noong 2018 kay Fadi na isang Lebanese businessman.
Sa isang panayam, si Lotlot mismo ang nagsabi na maayos na ang relasyon nila ni Monching, “Okay naman kami. Sometimes we see each other. Kami ni Fadi when we go to Janine’s house, sometimes he’s there. Kapag may basketball time si Diego (isa pa nilang anak), he is there. Wala naman kaming problema. We’re okay.
“Kami naman kasi as parents, I think it’s already understood that when it comes to the kids we will always be there. We will always unite.
“Kasi kailangan kami ng mga bata as parents. And siyempre, we want to have a healthy relationship with our children. We want them to be happy as well, di ba?” sabi pa ng aktres.
Dugtong pa niya, “It may not have been easy in the beginning but we learned and thank God naging maayos naman na. Naging okay naman kami ni Mon.”
https://bandera.inquirer.net/281068/janine-kilig-na-kilig-sa-hugot-ni-regine-lotlot-may-psychic-power
https://bandera.inquirer.net/287603/mayor-vico-naging-leading-man-din-noon-ni-janine-napakasarap-alalahanin