Liza, Enrique wala pa ring litrato sa hallway ng ABS-CBN; Kim dedma lang sa bashers

Enrique Gil, Liza Soberano, Kim Chiu at Bea Alonzo

HINDI na nagpaapekto si Kim Chiu sa ginawang pamba-bash sa kanya ng netizens dahil sa ipinost niyang video sa social media kamakailan.

Dito mapapanood na isa-isa nang tinatanggal ang mga poster (with lights) sa hallway ng old building ng ABS-CBN ng mga artistang hindi na Kapamilya.

Pinanood namin ang video post ng isa sa host ng “It’s Showtime” at in general naman ‘yung pagkakasabi niya, sabi nga niya kay Tyang Amy Perez baka siya raw ang ipapalit pero sagot naman ng kapwa host ay picture niya ang tinanggal.

Pero binigyan ito ng malisya ng netizens lalo na ng loyal supporters ni Bea Alonzo na kasama sa mga inalis sa hallway kaya kaliwa’t kanan ang pamba-bash na tinanggap ni Kim.

Pero hindi na nga ito ginawang big deal ng dalaga lalo’t kailangan niyang mag-concentrate sa rehearsals ng “Magpasikat 2021” ng “Showtime” at hindi naman nasayang ang effort niya dahil nagwagi ang grupo nila kasama sina Tyang Amy at Karylle.

Ang punto de vista naman nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh sa latest vlog nila sa “Showbiz Update” ay bakit ba kailangang i-bash si Kim.

“Bakit nila bina-bash si Kim Chiu?” tanong ni Ogie.

Sagot naman ni Mama Loi, “Sabi kasi ng netizens, napaka-insensitive naman daw of Kim na i-post pa na parang inaalis na si Bea sa hallway ng ano (ABS).”

“Feeling ko lang ha, kilala ko si Kim Chiu walang malisya sa kanya ‘yun na inaalis ‘yung picture ni Bea Alonzo kasi may picture rin doon si Nova Villa, si Gloria Romero. 

“Pero dapat ang dami ng dapat inaalis doon (tulad) si kuya Dick (Roderick Paulate), marami hindi lang si Bea.

“Nagkataon lang siguro na parang level sila (sabay pakita ng larawan nina Kim at Bea) kaya ginawan ng intriga pero ang totoo no’n hindi naman dapat maging isyu ‘yun.  Naging isyu lang siyempre maiintindihan mo naman ‘yan Loi dahil hindi naman sila (netizens) napupunta ro’n sa hallway.  Sila’y dumedepende lang kung ano ang napanood nila.

“At ‘yung komento nila na minsan ay hindi nila alam ay titingnan muna nila kung ano ang komento ng iba.  Doon lang sila susunod!” paliwanag ng talent manager.


Speaking of talent manager ay nabanggit ni Ogie bilang nangangalaga sa karera ni Liza Soberano na wala nga raw larawan ang dalaga sa hallway.

“Si Liza nga wala pa hanggang ngayon doon,” sambit ng manager ng aktres.

“Talaga!” gulat na tanong ni Mama Loi.

“Oo, si Liza, si Enrique (Gil), e, nandoon pa nga ‘yung Tabing Ilog (cast), eh. E, year 2000 pa ang Tabing Ilog?” sabi pa niya.

Tanong ni Mama Loi kung mawawala na rin ang poster ni John Lloyd Cruz sa hallway.

“Malamang! Talagang ganu’n, di ba? Alangan namang i-maintain nila ‘yun, Loi? Kahit naman ako ang may-ari ng ABS tanggalin na ‘yan dahil nakakahiya naman baka sabihin ginagamit natin sila, e, wala na nga sila rito. Palitan na lang natin kung sino ‘yung nandito, kung sino ‘yung nagpaka-loyal ganyan,” katwiran ni Ogie.

Hirit ni Mama Loi, “E, ikaw nagpaka-loyal ka naman since 1992 ka pa ro’n. May picture ka ba ro’n?”

“Wala! Hindi ako nagagalit kung wala ‘yung picture ko ro’n!” tumatawang sagot ni Ogie. “Okay lang ako Loi, basta ramdam ng ABS-CBN ang loyalty ko sa kanila.  Okay lang picture lang naman ‘yun.  Marami nga nandoon ang picture pero walang work, paano? E, doon na ako sa walang picture pero may work. Ha-hahaha!

“Di ba? Kaya dapat hindi natin siya gawan ng inriga though naiintindiha namin ‘yung ibang netizens kasi kung ano ‘yung nakita nila na ginawa ni Kim Chiu, doon lang sila nag-react.

“Pero I’m sure kay Bea Alonzo kahit itanong sa kanya I’m sure walang diperensya sa kanya dahil totoo naman na wala na siya sa ABS so marapat lang na alisin ang retrato niya. Saka noon pa planong palitan ‘yun ng mga bago,” paliwanag pa ni Ogie.

Kim ibinuking ang pagbabaklas ng litrato ni Bea sa hallway ng ABS-CBN

Liza naging mas matapang at palaban dahil kina Pia, Angel at Anne

Read more...