Jonas Gaffud at Bea Gomez
NAKARATING na sa Tel Aviv, Israel si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez para sa gaganaping ika-70 edisyon ng Miss Universe pageant.
Ito’y matapos ngang maglabas ng direktiba ang pamahalaan ng Israel tungkol sa pagbabawal sa mga foreign tourists na pumasok sa bansa dahil sa pinangangambahan ngayong Omicron COVID variant.
Kasamang lumipad ni Bea na nagtungo sa Israel ang Miss Universe Philippines Organization Creative director na si Jonas Gaffud pati na si Miss Universe Singapore 2021 Nandita Banna.
Posibleng walang kaalam-alam sina Bea at Jonas sa travel ban na ipinatupad ng Israel dahil nga kasalukuyan silang nasa himpapawid noong ihayag ang kaurusan ng Israeli government.
Base sa ulat, ang bagong COVID-19 variant na natuklasan sa South Africa na sinasabing mas mataas ang infection risk ang ikinatatakot ngayon ng maraming bansa.
Kaya naman agad na naghigpit ang ilang bansa sa proseso ng pagtanggap ng mga foreign tourists, kabilang na nga riyan ang Israel.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement ang Miss Universe Organization tungkol sa gaganaping pageant sa Eliat, Israel ngayong nagiging malaking isyu na nga ang panibagong travel restrictions sa iba’t ibang panig ng mundo.
Noong nakaraang linggo, dumating na rin sa Eilat, Israel ang reigning Miss Universe na si Andrea Meza. Nagkaroon na siya roon ng mga photo shoot at taping para sa mga gagawin niyang segments.
Samantala, sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Jonas Gaffud ang mga litrato nila ni Bea nang dumating na sila sa Tel Aviv.
“Finally after all the stressful news online, we arrived in Israel. Tel Aviv, Israel, what a dream to come here,” ani Jonas sa kanyang FB status.
Samantala, tuloy pa rin ang pagho-host ng Israel sa 2021 Miss Universe sa darating na Dec. 12 sa kabila ng pagpapatupad ng bagong travel restrictions dulot ng Omicron strain ng coronavirus.
Ayon kay Tourism Minister Yoel Razvozov, “This is an event that will be broadcast in 174 countries, a very important event, a event that Eilat, too, is very much in need of.
“We will know how to manage this event. So, by using the waivers committee, we will have events like this, to which the country already committed itself and which we cannot cancel,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/298878/bea-gomez-super-excited-nang-lumaban-sa-2021-miss-universe-im-ready-to-fight
https://bandera.inquirer.net/280451/mas-mapanganib-ngayon-ang-covid-19-magtulungan-tayong-lahat