Ian at Paolo Pangilinan
KASAMA sina Paolo Pangilinan at Ian Pangilinan sa ini-launch bilang Gen C artists ng Cornerstone Management kamakailan.
Laging napagkakamalang magkapatid ang Breakthrough Actors na sina Paolo at Ian dahil pareho sila ng surname at aware naman ang dalawa rito.
Magiging kapamilya na nila ang mga kilalang Cornerstone Entertainment artists tulad nina Piolo Pascual, Ahron Villena, Alex Diaz, Pooh, Kit Thompson, Aaron Villaflor, Empoy, Sam Milby, Kyle Echarri, Noel Comia, Jr., Herbert Bautista at iba pa.
Sa mga aktres naman ay nandiyan sina KC Concepcion, Arci Muñoz, K Brosas, Kat Galang, Maricar Reyes-Poon, Moi Bien at Via Antonio. Nasa Cornerstone din ang magagaling na direktor na sina Joyce Bernal, Antoinette Jadaone, Dondon Santos, James Mayo, Dan Villegas, Victor Villanueva, Thop Nazareno at John Prats.
Nasa Corneestone din ang mga singers at songwriter na sina Erik Santos, Inigo Pascual, AC Bonifacio, Ken San Jose, Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, Jason Dy, Jay R, Jason Marvin, KZ Tandingan, Yeng Constantino, Joao Constancia, Kyla, Liezel Garcia, Markki Stroem, Mark Oblea, Moira, Radha, Rachelle Ann Go, TJ Monteverde, Thor Dulay, Zephanie at Richard Poon.
Nariyan din ang mga social media influencers at TV hosts na sina 2018 Miss Universe Catriona Gray, Dominic Roque, Paolo Bediones, Eva Ronda, Gretchen Ho, Janina Vela, Kryz Uy, Slater Young, Macoy Dubs, Manila Luzon, at ang nag-iisang Queen of Social Media, Kris Aquino.
Kaya naman sobrang overwhelmed das si Ian sa pagpirma ng kontrata sa Cornerstone, “Well for me obviously I’m very happy eversince naman talaga.
“There is culture of care, they make sure the they are with you every step of the way like workshops na they really explain na ganito kasi ‘yun. Just making sure na we are in the right mindset, right place, right work ethic which we really appreciate it,” aniya pa.
Musically inclined si Ian at kasama siya sa musical play na “Tabing Ilog” na ipinakilala noong Pebrero 2020 sa Dolphy Theater.
At marami na rin siyang supporting role sa series tulad ng “I Got You” ni direk Dan na pinagbidahan nina RK Bagatsing, Beauty Gonzales at Jane Oneiza ngayong 2021, kasama rin siya sa “Niña Niño” series sa TV5 nina Maja Salvador, Empoy at Noel Comia.
Nagtapos ng Management Engineering sa Ateneo de Manila University si Ian, pero malakas ang kaway sa kanya ng showbiz at music industry.
“It was those moments po na I always want to pursue in this industry, but then of course like you’ll never know where life will take you, so, you need to have a degree so that you can have fall back,” paliwanag ni Ian.
Sa kasalukuyan ay hindi nagagamit ni Ian ang kanyang tinapos sa kolehiyo dahil fully commited daw siya sa napili niyang karera ngayon na hindi muna binanggit kung ano ang mga proyekto niya ngayon dahil, ‘secret po muna’ sabi ng handler niya sa CS.
Kapag pinasok ang showbiz, karamihan ng fans ay masa at sinabi namin ng diretso kay Ian na base sa pananalita niya ay hindi pang-masa dahil nga English speaking. At alam naman ng lahat na kapag conyo ang dating ay hirap nilang maabot ang C,D,E crowd.
Nag-iisa lang si Sam Milby na minahal ng A,B,C,D,E crowd dahil una siyang nasilayan sa “Pinoy Big Brother.”
Ang katwiran naman ni Ian, “Well, it’s…mas nakasanayan ko na po kasi ‘yung language. And wala namang target market, kung anong trabaho po ang I would love to enjoy. Siyempre na-cast na ako sa englisero role and na-cast na rin ako sa full tagalog role.”
At sa katunayan ay traysikel drayber nga raw ang karakter niya sa “Niña Niño” nina Maja at Noel plus Empoy.
Samantala, sabi naman ni Paolo, “Of course the reason why I joined Cornerstone and still continue to take projects and endeavors with them is because our value is aligned with respect.
“Cornerstone got humility, service and excellence. And of course I appreciate that whenever I go into something I have to make sure that our values are aligned.”
Sa BL series na ginawa nila ni Ian na “Gaya sa Pelikula” ay nagpapasalamat siya dahil nagkaroon ng oportunidad na maipalabas ito sa online platforms sa kasagsagan ng pandemya.
Aniya, “How I feel about it, of course I’m thankful to been giving a greater platform to express what I see about the world. A little bit frustrated still because hindi pa rin tumatawid ang message to a lot of individuals even though it had that mount of attention.”
Nabanggit pa ni Paolo na ipaglalaban pa rin niya ang adbokasiya niya tungkol sa LGBTQIA lalo’t may 20 bills na ang naipasa pero parang hindi pa rin ito sinusuportahan ng karamihan.
Anyway, natanong namin ang bagong artist ng CS tungkol sa naging isyu nila ng kilalang writer-actor Juan Miguel Severo na pumutok nitong kalagitnaan ng taon tungkol sa umano’y harassment na nangyari.
Inamin ng aktor na hindi sila nag-uusap, “Definitely we’re not talking and I have yet to make a statement about it but I have decided to discontinue any ties with people whose values does not aligned with mine and that’s all I’m willing to say for now.”
Wala rin daw katotohanan ang pumutok na balitang mayroon silang legal battle.