Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Napag-uusapan pero si God pa rin ang bahala, sa tamang panahon…

Rei Tan, Maja Salvador at Rambo Nuñez

HINDI makakauwi ng Pilipinas ang nanay ni Maja Salvador na si Mommy Thelma Andres na citizen na sa ngayon sa Canada matapos makapag-asawa ng Canadian at kasalukuyang nagtatrabaho bilang beauty consultant.

At dahil diyan ay plano ng aktres na dalawin ang ina kasama ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez ngayong Pasko at Bagong Taon.

“Bale nag-apply po ako ng Canadian visa kasi nag-expire na pero medyo matagal ngayon ang processing.  Ang plano namin pumunta talaga sa Mama ko.

“Kasi ang nanay ko ayaw po mag-off akala ko may benteng anak na pinapaaral, sayang daw ang kikitain niya ngayong Pasko, so ang mga anak niya ang pupunta roon.

“Maghihintay po kami hanggang first week of December pero kung hindi kami mabigyan baka sa US kami magkita-kita,” kuwento ng dalaga.

Nakaka-miss talaga ang face to face mediacon lalo na kung si Maja ang pinapa-presscon dahil tatawa ka nang tatawa sa mga sagot niya na through the years ay walang ipinagbago kung paano at sino siya noong nakilala namin ay ganu’n pa rin siya hanggang ngayon.

Si Maja kasi ang kinuhang brand ambassador ni Rei Anicoche Tan, CEO at Presidente ng Beautederm Corporation para sa bago nilang health boosters na Reiko at Kenzen na kailangan talaga ng aktres dahil sa lock-in taping niya ng “Niña Niño” na umeere sa TV5, idagdag pa ang kanyang segment na “Dance Challenge 2021” sa “Eat Bulaga” every weekend.


Ayon kay Maja, matagal na niyang ginagamit ang mga produkto ng kumpanya ni Ms. Rei, “Two years ago, video call ganyan, si Manang Rhea walang filter, nag-Ilokano kaagad, sabi niya, ‘Uy Bebeng, napintas na mga Ilokana, di ba?  So, nandu’n ‘yung naka-connect agad.

“So ‘yung connection, ‘yun po ‘yung sinasabi kong hindi pilit. Two years ago pa ‘yun, so, nandoon ‘yung darating siguro ‘yung time na magiging member din ako ng Beautederm family kahit ang dami ng babies ni Manang Rhea, I think hinanapan niya ako kung saan talaga ako perfect sa mga product niya.

“Siguro nakita niya sa mga video calls namin na ang hyper ko, so may energy boosters ako. Ha-hahaha! Kaya shoot na kaagad (pictorial) parang one-week nga lang ‘yung process ng lahat,” mahabang sabi ng aktres.

Dagdag naman ni Rei Tan, “Two years na po kaming nagbi-video call at matagal ko na siyang gustong kunin kaya lang Maja is Maja, best actress ‘yan, magaling sumayaw manang-mana sa Manang. Gusto ko ng ganu’n.”

Naalala pang tanong ni Maja sa Manang Rei niya, “Ang dami ng endorser pang ilan na ba ako?  And then nu’ng sinabing kung anong product ‘yung ie-endorse ko, oo naman game tayo diyan since mahilig din naman akong uminom ng mga supplements na kailangan natin araw-araw.”

Samantala, natanong si Maja kung kailan naman magle-level up ang relasyon nila ni Rambo.

“Inaantay ko lang ibigay ang door knob (mamahaling ring) ni Manang Rhea. Pag ipinamana niya, aprub na aprub na. Ako na ang luuhod kay Rambo,” tumatawang sabi ng aktres.

Dugtong niya, “Darating tayo diyan. Simula naman nang magkabalikan kami ni Bo (petname niya) hindi naman ako naging madamot, hindi lang detalyado pero alam n’yo kung ano ang mga naganap.

“Well nasa same page naman po kami, may mga napag-uusapan pero si God pa rin ang ano diyan, sa tamang panahon,” pagtatapat ng dalaga.

Sabi naman ni Rei Tan, sasagutin na niya ang reception kapag ikinasal na sina Rambo at Maja na ikinatuwa naman ng aktres.

Anyway, si Maja ang pambato ng Pilipinas bilang best actress para sa drama series na “Nña Niño” sa Asian Academy Creative Awards na magaganap sa December at excited na raw ang dalaga rito.

“Virtual ‘yung awards night kaya no need na pumunta ng Singapore.  Nagpapasalamat ako sa nomination,” saad ng aktres.

https://bandera.inquirer.net/283443/maja-tinanggihang-makatambal-si-gerald-sa-init-sa-magdamag-respeto-lang-daw-kay-rambo

https://bandera.inquirer.net/294437/maja-salvador-official-eb-dabarkads-na

Read more...