Kylie Padilla at Robin Padilla
MARAMING naaliw at na-inspire sa bagong YouTube vlog ng Kapuso actress na si Kylie Padilla kung saan nagkaroon sila ng heart-to-heart talk ng amang si Robin Padilla.
Ito ay may titulong “The conversation I never had with my Papa” kung saan napag-usapan nga nila ang ilang mahahalagang detalye tungkol sa kanilang personal na buhay, kabilang na ang controversial break-up nina Kylie at Aljur Abrenica.
Dito nga inamin ng aktres na okay na sila ng kanyang estranged husband nang diretsahan siyang tanungin ni Robin.
“Okay na kami. Yes, okay na kami. Thank God! Okay na po talaga, Pa, promise. Ayoko nang mag-ano basta ang importante, okay kami para sa mga bata,” aniya pa.
Bukod nga rito, naibahagi rin ni Binoe sa vlog ni Kylie ang pagiging ama sa kanyang mga anak. Aniya, talagang biglang nagbago ang buhay niya nang magkaroon na ng sariling pamilya.
“Nu’ng dumating na kayo, nari-realize ko, ‘Aba, hindi ako puwedeng mautas ngayon. Hindi ako puwedeng mawala ngayon kasi paano ‘tong mga batang iyon?’
“At nu’ng time naman na iyon na, nagde-decide na akong mag-lay low,” ang pahayag ng aktor na nakulong nga noong 1994. At dito nga raw niya naisipan na ayusin na ang kanyang buhay.
“Kaya yun, very timely talaga iyon. Yung pagkakakulong ko, very timely para sa mama mo rin,” aniya pa na ang tinutukoy ay ang dating partner na si Liezl Sicangco.
Nagkaroon ng apat na anak ang former couple — sina Queenie, Kylie, Zhen-Zhen at Ali at sabi nga ni Robin, napakalaki ng nagawang pagbabago sa pagsasama nila ni Liezl ang pagkakakulong niya.
“Yun siguro yung best days namin, e, yung nakakulong ako. Kaya answered prayer iyon. Du’n din kami nagpakasal ng mama mo. Nu’ng dumating kayo sa buhay namin.
“Kasi kahit mama mo noon, gangster din. Alam naman niya iyon!” natatawang biro ni Robin. Aniya pa, “Ngayon naman, lumalabas pa rin pagka-gangster ng mama mo.” Na sinang-ayunan naman agad ni Kylie, “Yes, I know. Lumalabas talaga.”
Kung matatandaan, nakulong si Binoe noong 1994 dahil sa kasong illegal possession of firearms at nasentensiyahan ng walong taong pagkakakulong. Ikinasal sila ni Liezl noong 1996 nang nasa New Bilibid Prison pa ang aktor.
Nakalaya ang mister ngayon ni Mariel Rodriguez makalipas ang apat na taon nang bigyan siya ng conditional pardon ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Pahayag ni Kylie, nagpapasalamat siya sa “unconventional” style ng pagpapalaki sa kanya ni Binoe at ngayong magulang na rin siya, mas naiintindihan na niya ang mga payo at pangaral ng kanyang parents.
May dalawang anak na lalaki sina Aljur at Kylie — sina Alas, 3 at Axl, 1.
Samantala, isa nga sa mga nakapanood ng vlog nina Kylie at Robin ay si Liezl Sicangco na umaming naaliw at na-touch sa naging usapan ng mag-ama.
At tulad din ng mga komento ng netizens, naantig din si Liezel sa pag-uusap ng mag-ama. Comment niya sa Instagram post ng kanyang anak, “OMGee! Natawa ako at naiyak. Good job (double hearts emojis).”
Tugon naman ng Kapuso actress sa ina, “I love you mother dearrrr!” Na nireplayan uli ni Liezl ng, “I love you more (kiss with heart and rose emojis).”
https://bandera.inquirer.net/298805/kylie-naiyak-nang-tanungin-ni-robin-so-wala-ba-talagang-pag-asa
https://bandera.inquirer.net/288054/payo-ni-robin-kay-kylie-sabi-ko-pag-muslimin-mo-na-lang-si-aljur