NAGKUKUMAHOG ang mga bansa sa buong mundo para sarhan ang kanilang mga hangganan mula sa manlalakbay galing South Africa at karatig nitong nasyon para pigilan ang pagkalat ng bagong variant ng Covid-19.
Pero bago pa man maipatupad ang panibagong restriksyon, mukhang nakalusot na sa ilang bansa ang ngayo’y kinatatakutang Omicron variant.
Narito ang listahan ng mga bansa na may positibong kaso na ng Omicron:
- Germany: 2
- Australia: 2
- Britain: higit pa sa isa
- Czech Republic: 1
- Italy: 1
- The Netherlands: ilan sa 61 positibong kaso ng manlalakbay galing South Africa
- Austria: 1
Umaksyon na rin ang Pillipinas at ipinagbawal ang pagpasok ng mga manlalakbay mula sa pitong bansa sa southern Africa. Suspendido na hanggang Disyembre 15 ang inbound flights mula sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.
Kaugnay na ulat:
Manlalakbay mula sa 7 bansa sa Africa, bawal nang pumasok sa Pinas
61 pasahero ng KLM galing South Africa, nagpositibo sa Covid-19