Bela Padilla hindi iiwan ang showbiz, may bagong pelikula sa February

Bela Padilla hindi iiwan ang showbiz; may bagong pelikula sa February

BELA PADILLA

PINABULAANAN ng aktres na si Bela Padilla ang kumakalat na balitang iiwan na niya ang showbiz para manirahan sa London for good .

Ito ay matapos kumalat ang balita ukol sa kanyang paglipat sa London kung saan nakatira ang kanyang dyowa na si Norman Ben Bay.

Ayon kay Bela, marami raw siyang natatanggap na mensahe kung bakit niya iniwan ang showbiz kaya agad niya itong nilinaw sa kanyang tweet noong Nove. 26.

“I’m getting a lot of DMs asking me why I quit my job (laughing emoji) I didn’t say I was gone for good. I’m just currently based in London since the pandemic is still ongoing,” pagpapaliwanag ng aktres.

Dagdag pa ni Bela, magkakaroon pa raw siya ng pelikula na ipalalabas sa Pebrero.

“In fact, I have a movie coming out in February and had a call from Viva yesterday to write my next film already.”

Nagreply naman sa kanyang tweet si Norman.

“I don’t think you are capable of not working,” sey nito.

Isang fan account naman ni Bela ang nagreply kay Norman.

“You better not be the reason why she’d quit her job, @normanbenbay. She’s awfully good at it. Brilliant, actually,” saad ng isang fan.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa pahayag ng dalaga patungkol sa kanyang bagong pelikula.

“Can’t wait for another movie mo @padillabela napakagaling mo”

“Happy to hear it. Looking forward to see the movie and more.”

“Excited for your next heartbreaking film.”

“nakakaexciteeeee! paiyakin mo na ulit kami ms bela! stay safe.”

Ilan lamang ito sa mga comments ng netizens.

Mukhang kailanga na namang maghanda ng madlang pipol at magbabalik na naman sa pagpepelikula si Bela.

At base nga sa mga sinabi ng netizens sa kanilang comments, mukhang dudurugin na naman ni Bela ang puso ng mga manonood sa kanyang susunod na pelikula.

Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ni Bela ay “Meet Me at St. Gallen”, “On Vodka, Beer and Regrets”, “The Day After Valentines” at “100 Tula Para kay Stella”.

Related Chika:
Bela Padilla umalis na ng Pinas, sa London na titira kasama ang dyowang Italian?
Bela ikakasal na nga ba sa dyowang Swiss-Italian kaya maninirahan na sa London?

Read more...