Andi nagpasalamat sa pagpapasaya ng Ejercito family kay Ellie

Andi nagpasalamat sa pagpapasaya ng Ejercito family kay Ellie

BINATI ni Andi Eigenmann ang kanyang panganay na si Ellie na nagdiwang ng kanyang ika-10th birthday.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Andi ang kanyang heartwarming message para sa anak nila ni Jake Ejercito.

“She’s been busy growing up and doing her own thing with her friends lately so I spent the entire day (still ongoing) with her just doing whatever and going wherever she wanted,” umpisa ni Andi.

“I love you very much my girl! I hope your first day as 10-year old has been going well for you, and that you wouldn’t mind having me tag along your adventures till we are old and grey,” sweet na saad ng aktres kasama ang kanilang picture na magkasama.

Samantala, nagpasalamat naman si Andi kay Jake at sa pamilya nito na nakasama ni Jake sa pagsusorpresa sa kanilang panganay na si Ellie.

Kasama kasi ng aktor na pumunta sa Siargao ang mga kapatid niyang sina Jacob at Jerika Ejercito.

Present rin ang asawa ni Jerika at ang tatlong anak nito.

“Yay!! Awesome!! Thank you guys for always making her happy!!” comment ni Andi sa birthday greeting post ni Jerika para kay Ellie.

Mukha namang nakagaanan agad ni Jerika at ng mga anak nito ang mga kapatid ni Ellie na sina Lilo at Koa.

Reply kasi ni Jerika kay Andi, “Glad we were able to finally make it to Siargao and surprise her, totally worth it. Big hugs to Lilo and Koa my kids are obsessed with them.”

Laging tinitiyak nina Andi at Jake na maayos nilang nasusubaybayan ang paglaki ni Ellie.

Hindi man sila nagkatuluyan ay sinisigurado nila na maayos ang kanilang coparenting set up dahil nais nilang ma-enjoy ni Ellie ang “best of both worlds” na pwede nilang ma-offer para sa anak kahit na sa Manila naka-base si Jake at sa Siargao naman si Andi.

Related Chika:
Jake masaya sa co-parenting setup nila ni Andi: Nakikita ko kay Ellie na hindi na siya nahihirapan…

Read more...