Cindy Miranda dumepensa sa paghuhubad sa pelikula: I’m still conservative in real life

David Chua at Cindy Miranda

IPINAGDIINAN ng Viva artist at dating beauty queen na si Cindy Miranda na kahit naghuhubad at nakikipag-love scene siya sa pelikula ay isa pa rin siyang konserbatibong Filipina.

Kaya naman gulat na gulat ang dalaga nang makarating sa kanya ang umano’y reaksyon ng kanyang ex-boyfriend na character actor na si David Chua.

Ayon daw sa binata, nabigla raw siya sa pagpapaseksi ni Cindy sa mga pelikula ng Viva Films dahil conservative raw ito noong magkarelasyon pa sila.

“Actor din siya. He knows na I’m not the one in the movie, it’s the character, so I don’t know why he reacted that way,” ang pahayag ni Cindy sa nakaraang virtual mediacon ng bagong sexy-drama film ng Viva na “My Husband, My Lover.”

“But, yeah, thank you. Maybe he watched a film na nagawa ko, thank you for watching. I’m not sure kung napanood niya, but hi!” sabi pa ng dalaga na nagbida na sa mga erotic movies na “Adan,” “Nerisa” at “House Tour”.

Paliwanag pa ng sexy actress, hindi raw dapat husgahan ang kanyang buong pagkatao nang dahil sa mga pelikula niyang pelikula. 

Sabi pa niya tungkol kay David na pitong taon din niyang naging dyowa, “Ang tagal ko na po siyang hindi nakakausap. I hope he’s doing good but don’t worry, I’m okay.

“I’m still conservative in real life. Thank you if na-watch mo man yung isang film ko,” depensa ni Cindy.


Samantala, game rin ang aktres na gumawa ng pelikula kasama si David kasabay ng paglilinaw sa chika na hindi raw maganda ang kanilang paghihiway.

“Why not? We’re friends. To me, magkaibigan kami. I don’t think pangit yung break up namin.

“I didn’t know na hindi maganda yung paghihiwalay namin kasi I think we’re still okay.

“I think we’re friends, wala lang communication because sobrang busy nga, nag-pandemic.

“I think busy din siya. Sabi ng friends niya, nagdidirek na siya. We’re good friends actually,” aniya pa. 

“Magka-text pa kami even after nu’ng nag-break na kami. Kasi parang naging magkapatid kami sa tagal namin, seven years. Bata pa lang kami, college, then after college.

“Hindi kami magkagalit. I hope na hindi siya ang nagsabi na hindi maganda yung break-up namin because we’re okay po,” paliwanag ni Cindy.
https://bandera.inquirer.net/296303/cindy-miranda-gustong-makilala-si-kylie-padilla-bilib-ako-sa-kanya-dahil-sobrang-strong-niya
https://bandera.inquirer.net/287897/cindy-miranda-nagsalita-na-sa-balitang-siya-ang-dahilan-ng-paghihiwalay-nina-aljur-at-kylie

Read more...