#SanaAll: Regine niregaluhan ng bonggang diamond ring si KZ Tandingan

KZ Tandingan at Regine Velasquez

“ENGAGED na sila!” Yan ang birong pahayag ng mga nagkomento sa mga litrato ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at ni Soul Supreme KZ Tandingan.

Niregaluhan kasi ni Regine si KZ ng isang bonggang-bonggang diamond ring nang magkita sila sa taping para sa isang episode ng “ASAP Natin To”.

Ayon sa report, ibinigay daw ng Songbird kay KZ ang singsing bago kunan ang kanilang performance sa “ASAP”. Of course, tuwang-tuwa ang Kapamilya singer sa natanggap na regalo mula sa kanyang idolo.

Ipinost ng isa sa mga supervising producers sa ABS-CBN na si Jasmin Ignacio Pallera ang ilang litrato nina Regine at KZ na kuha sa backstage ng Sunday musical show ng ABS-CBN.

Makikita sa mga photo na suot nga ni KZ ang sosyal at kumikinang na singsing at kunwaring naiiyak pa na akala mo’y eksena sa isang marriage proposal.

Ang caption ni Jasmin sa kanyang IG post, “Ate Reg @reginevalcasid and KZ @kztandingan just got engaged!

“Just before their TGS performance, Ate Reg casually gave KZ a diamond ring! Woohooo! A Sana All Moment,” sabi pa ng supervising producer.


In fairness, noon pa naman ay talagang mahilig nang magbigay si Regine ng mga mamahaling regalo sa mga nakakatrabaho niya, kabilang na riyan si Angeline Quinto. 

Kung matatandaan, noong 2018 si Regine naman ang nakatanggap ng regalo mula kay Megastar Sharon Cuneta nang magkasama sila sa isang concert — ito’y isa ring mamahaling diamond ring.

https://bandera.inquirer.net/292430/sinabihan-akong-hindi-sisikat-kasi-pangit-talaga-ba-lets-see

https://bandera.inquirer.net/290813/bakit-ayaw-pang-magkaroon-ng-baby-nina-kz-tandingan-at-tj-monterde

Read more...