NAGSALITA na si Cherry Malaya, girlfriend ni TJ Valderrama patungkol sa latest episode ng “Pinoy Big Brother” (PBB) kung saan in-address ng nasabing show ang isyu patungkol “harassment” diumano ni TJ sa female housemate na si Shanaia Gomez.
Sa kanyang Twitter account ay buong tapang nitong tinawag ang pansin ng nasabing programa.
“So PBB, porke gumawa kayo ng episode to explain yung ‘closeness’ ni Shanaia at TJ, magiging ok na lang ang lahat?? Mga sira*lo. The damage has already been done!!!
“There’s no way you can fix this! At di ako makikipagmeet sa inyo. Si TJ lang ang kailangan kong makausap. PERIODT,” saad ni Cherry.
So PBB, porke gumawa kayo ng episode to explain yung “closeness” ni Shania at Tj, magiging ok na lang ang lahat??Mga siraulo. The damage has already been done!!! There’s no way you can fix this! At di ako makikipag meet sa inyo. Si TJ lang ang kailangan kong makausap. PERIODT.
— Cherry Malaya (@CherryMalaya) November 22, 2021
Dagdag pa niya, hindi man lang daw naawa ang naturang show sa pamilya ni TJ.
“Di na kayo naawa sa pamilya ni TJ! Sa mom nya na may sakit. Sa tataybnus na pinalaki syang matino at may takot sa Diyos. Sa tatlong kapatid nyang babae! Punong puno na ako sa kakulangan nyo!!! Palabasin nyo na yan! Money making bullsh*t show.”
Nitong mga nakaraang araw ay naging matunog ang pangalan ni TJ matapos mapansin ng mga netizens ang pagiging close nito sa isa pang housemate na si Shanaia.
Maraming mga videos at screenshots mula sa “PBB” live stream ang kumalat online kung saan makikita si TJ na nakayapos sa dalaga o di kaya’y nakikipagbeso sa pisngi ni Shanaia.
May videos rin kung saan diumano’y pinipisil raw ni TJ ang baywang ni Shanaia habang nakikipag-usap sa mga housemates.
Hindi nagustuhan ng mga netizens na sumusubaybay sa “PBB” ang pagiging “malapit” ni TJ kay Shanaia lalo na ang pagiging touchy ng binata sa dalaga.
Pati ang Gabriela Women’s Party na isang political party na nagtatanggol sa mga karapatan ng mga kababaihan ay nagsalita na patungkol dito.
“We have taken note of several photos and videos related to the ‘FORCE EVICT TJ’ Twitter trend.
A reminder that unsolicited touching and physical contact, even in the context of friendship or even relationship, can be a form of sexual harassment.
“We hope the PBB show can be a positive avenue for teaching this very important reminder, especially as we will commemorate #IDEVAW2021 with a call for the stricter implementation of Safe Spaces Act.
#PBB3rdEvictionNight #PinoyBigBrother,” pahayag ng Gabriela Women’s Party.
At nitong Nobyembre 22 nga ay gumawa ng aksyon ang “PBB” at kinausap ang mga housemates patungkol sa kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.
Base sa mga naging sagot ng mga housemates ay wala sinuman ang nakakaramdam ng “harassment” sa kanila at sinabing talagang close lang at pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa.
Sa kabila nito ay marami pa rin sa mga netizens ang hindi kumbinsido dito at kinukwestyon ang naging paraan ng show para i-address ang isyu.
Naglabas na rin ng official statement ang “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”.
“Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman lalo na’t kung ito ay may patunay. Ngunit mismong mga housemates na ang nagsabi na walang anumang nagaganap na ganito sa loob ng bahay.
“Nawa’y mas maging mapanuri at responsable ang lahat sa social media at wag manghusga lalo na kung hindi sapat at tama ang konteksto at impormasyon.”
Nawa’y mas maging mapanuri at responsable ang lahat sa social media at wag manghusga lalo na kung hindi sapat at tama ang konteksto at impormasyon. #PBBKumuToyStories
— Pinoy Big Brother (@PBBabscbn) November 22, 2021
Related Chika:
PBB: Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman