Angel tinawag na ‘Marites’ ng netizens dahil sa pambubuking ni Kris

TAWANG-TAWA kami sa mga  nabasa naming reaksyon ng netizens na may pagka-Marites (tsismosa) din daw pala si Angel Locsin dahil siya ang nagpadala ng tweet ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Kris Aquino.

Angel Locsin, Kris Aquino

TAWANG-TAWA kami sa mga  nabasa naming reaksyon ng netizens na may pagka-Marites (tsismosa) din daw pala si Angel Locsin dahil siya ang nagpadala ng tweet ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Kris Aquino.

Nagkabukingan kasi dahil tinanong ni Kris si Angel kung puwedeng i-reveal na siya ang source ng tweet, ang kaso hindi pa nakakasagot ang huli ay nag-post na ang TV host.

Tanong ni Kris, “@therealangellocsin pwede ko bang I reveal na ikaw ‘yung nagpadala ng tweet sa ‘kin? And sinabi ko ang weird mo kasi nung nabasa ko ng 5AM (because nag bathroom ako) at nag reply say o tapos sumagot ka dahil gising ka pa, sinagot mo ko na Ate, walang tatalo sa pagka weird niya, kaya matulog na tayo.”

Aliw ang mga komento ng netizens, komento ng isa, “Marites alta version hahahaha! Hindi sila marites kasi FACT ang pinag usapan nila. Not fake news. My gosh. Maka react ka lang.”

“Ang tatalino ng nag cocomment na marites daw. DUH!! HINDI SILA MARITES. U MGA NAKIKICHIMSMIS DITO ANG MGA MARITES.”

“Nakakatawa ung tatawaging marites si Angel. Eh tayo, anong klaseng marites tayo? At least ‘yun sinumbong lang n’ya sa friend nya. Diba yan ginagawa ng normal na magkaibigan?”

Ipinagtanggol naman ng ilan si Angel na hindi lang naman ang showbiz ang kanyang pinagkakakitaan.

“Ang alam nyo lang na career rh showbiz? What a pathetic life you’re living. May business sya. Kasalanan nya kung buhay sya sa mga yun kahit di need kumayod 8hrs a day? Office at showbiz lang alam nyong career?”

May nagsabi ring, “Hahahaha katakot magpadala ng scoop kay Tetay ibubuking ang source nya!”

Pero naging daan daw kay Angel ang pambubuking ni Kris na posibleng ma-bash ang aktres.

“Kris will find out one way or the other. Buti nga at may nagsabi sa kanya agad or else, tuloy tuloy syang gagamitin ng isa para sa kampanya. Sana lang, hindi na lang nya nilagay sa alanganin si Angel. Nagmalasakit na nga, napasama pa.”

“True! ang daming ginagawang big deal eh normal lang na paabot mo sa kaibigan mo kung may nakita/nasagap kang kumalat na balita tungkol sa kanya. Ang mali si Kris, nanglalaglag ng nagmalasakit na kaibigan. Alam nya maraming mainit kay Angel dahil sa pagiging vocal sa mga issues. What Kris did just add more opportunities for bashers to hit Angel.”

Related Chikas:

Herbert Baustista may patama kay Kris; Mel Sarmiento ‘di napigilang magsalita

Kris pumalag kay Herbert: Sana wag mo na lang baguhin ang kwento

Read more...